Chapter 3

355 42 6
                                    

Jon Whiskey Mendez

“It's your cutie Jon Mendez, at your service. AC news!” Nakangiti kong turan sa camera.

“Cut!” Isang malakas na sabi ng director namin kaya agad akong nakahinga ng maayos. Salamat naman at wala akong mali.

“Good job!” Agad na turan saakin ni tito Reron nang makalapit siya saakin at marahan na tinapik ang balikat ko.

“Sinong mag-aakala na first day mo palang?” Natatawang dugtong niya pa na kinangiti ko.

“Thank you everyone!” Agad kong bati sa lahat kahit apat lang kami.

Wala na yung iba sa team ko. Nagsi-uwi na. Yung cameraman nalang talaga at ako. First day ko na overtime.

“Keep going Jon. Mas magaling ka sa daddy mo.” Natatawa niya pang biro.

“Hindi naman tito. Mas magaling pa din si daddy.” Sagot ko sakanya.

Mabilis naman siyang tumingin sa relo niya. “It's almost ten Jon. Hatid na kaya kita?” Turan ni tito Reron na agad kong kinailing.

“Hindi na po kailangan tito. Kaya ko pong umuwi mag-isa.” Agad kong kontra sakanya.

Tinignan naman niya ako habang magkadikit ang kilay. “Sigurado ka? Gabing-gabi na Jon. Delikado sa kalsada.” Pagpupumilit pa ni tito Reron pero nanindigan akong hindi magpahatid.

“Hindi na po tito. Kaya ko po ang sarili ko. Maraming salamat po.” Nakangiti kong balik sakanya.

Napahinga nalang siya ng malalim at muling tinapik ang balikat ko. “Naaalala ko tuloy si Johnny sayo.” Bulong niya. “Sige na. Umuwi ka na. Baka gabihin ka lalo.” Dugtong niya na agad kong tinanguan.

Nagpasalamat pa ako ng isang beses sa cameraman bago mabilis na lumabas ng studio. Mabilis akong pumunta sa office namin at inayos lahat ng gamit ko.

Lahat ng gamit ko, nasa bag ko, kasama na yung iPad. Yung mga scripts na gamit na, inilagay ko nalang sa itaas ng mesa ko. Isa-isa kong inilagay sa plastic yung mga chocolates na bigay nilang lahat. Isinukbit ko na sa balikat ko yung bag ko at mabilis na inilabas yung phone ko.

Wala ng tren ngayon. Baka mag-taxi na ako pauwi. Nakita ko din ilang paulit-ulit na alarm kaninang 8 pm. Hindi na ako nakakain kaya pala medyo pagod na ako.

Hindi ko nalang pinansin at mabilis na ibinalik sa bulsa ko yung phone ko at isinabit sa kamay ko yung coat ko bago buhatin yung kahon ni daddy at nakapatong naman sa taas yung iPad ko. Sana hindi lang ako madapa.

Hindi na ako nahirapan sa pagbukas ng pintuan kasi nakabukas naman.

Dala yung napakarami kong gamit, agad akong sumakay ng elevator at pinindot ko yung ground floor button kahit nakahawak ako sa kahon.

Ayoko magpahatid kay tito kasi dadaanan ko pa yung mga batang kalye. Ibibigay ko 'tong mga chocolates. Hindi ko naman makakain 'to. Sayang naman. Mas mabuti pang mapunta nalang sakanila. Sayang naman hindi ba?

Hindi ko napansin na nasa ground floor na ako dahil sa pag-iisip. Kaya mabilis na ako humakbang palabas ng elevator. Patay na yung ibang ilaw at yung kuyang guard nalang yung nakita ko dito.
Agad akong yumuko nang makaharap ko siya. Alam naman niya yung gagawin niya, kinuha niya yung ID ko ay swinipe bago ibalik sa leeg ko.

“First daw mo sir Jon pero may OT ka na?” Natatawa niyang tanong saakin.

“Ang saya kaya manong guard.” Natatawa ko din sagot.

“Tulungan na kita sir.” Bulong niya pero agad akong tumanggi.

“Kaya ko na manong. Mani-mani lang 'to!” Pagbibiro ko pa.

𝐇𝐢𝐬 𝐌𝐚𝐥𝐞𝐯𝐨𝐥𝐞𝐧𝐭 𝐖𝐚𝐲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon