KIMO
Ang bilis kong magtiwala,
Sa taong hindi naman katiwa-tiwala,
Ang bilis kong bumigay,
Sa taong magaling magbigay.Humakbang agad ako sa puntong-
Kilalang-kilala na kita,
Ngunit ito'y nahantong,
Sa mali ka ng hinala.Malimit akong magtiwala,
Hindi ako naniniwala,
Na katulad ka ng ibang toksikadong tao,
Pero bakit hindi ako nakinig sa payo?Nagpadala ako sa aking nararamdaman,
Na akala ko tayong dalawa itong laman,
Ngunit akala lang pala— ako lang pala.
Ako lang mag-isa.Nag-iisa, walang kasama— wala ka,
Maling hinala,
Madaling magtiwala,
Ayoko nang maniwala._
![](https://img.wattpad.com/cover/165550395-288-k656201.jpg)
YOU ARE READING
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology