"PRETENDING GIRLFRIEND"(PART1) #1st

398 8 2
                                    

Prologue

Nag lalakad ako habang umiinom ng milktea ng aksidente Kong mabangga Ang iisang lalaki na kasalubong ko at Yun din Ang dahilan ng pagkatapon ng milktea ko sa damit niya .

Nataranta ako at Hindi Alam Ang gagawin. Tumingin ako sa mukha ng lalaki at nakita ko siyang tila may hinahanap.

Hindi ko  nalang Yun pinansin at Kumuha ako ng panyo sa bag na dala ko at na tataranta Kong pinunasan Ang damit ng lalaki.

Bigla nalang niyang tinabig Ang mga kamay ko kaya agad akong tumingala para tumingin sa mukha niya.

"Bulag ka ba ha?. Hindi mo ba Alam na may tao Kang masasalubong oh tanga ka lang."  Pasigaw niyang sabi.

Kaya Lahat ng tao sa paligid namin ay napatingin sa kinatatayuan namin.

Halata sa mukha Niya Ang pag kagalit. Napatungo nalang ako at walang imik.

Bigla nalang Niya akong hinila Kung saan. Nag pupumiglas ako pero mahigpit Ang pag kakahawak Niya sa kamay ko.

Dinala niya ako sa gilid Kung saan Walang katauhan. 

Ng alpasan na niya ang kamay ko ay agad kong hinawakan at ininda Ang sakit ng pagkakahawak niya sakin kanina.

"Bat mo ba kasi ako dinala dito?"naiirita Kong tanong.

"Dahil sayo Kaya nadumihan Ang damit ko hindi mo ba Alam Kung gaano ka Mahal to nasa 25K at ngayon ko palang  ito sinout."

"Wee... Di nga baka nga NASA 500 lang Ang presyo niyan ehh." Hindi naniniwala Kong Sabi.

Lalong nag salubong Ang kilay Niya at kinuha Ang cellphone niyang NASA bulsa.

Nag type siya ng nag type sa kaniyang cellphone at agad niyang iniharap sa mukha ko Ang screen ng cellphone.

Hindi ko maaninaw dahil sa sobrang lapit Kaya lumayo ako ng konte.

Nakita ko Ang picture na NASA cellphone niya at Ang suot niyang damit ay iisa at nakita ko din Ang presyo ng damit.  totoo nga Ang sinasabi ng mamang to 25k Ang presyo ng damit na suot niya.

Inilayo na niya Ang cellphone Niya sa mukha ko at ibinalik sa bulsa Niya.

Seryoso siyang tumingin sakin at nag cross arm. Tumungo nalang ako dahil sahiya.

Akala ko kasi 500 lang Yan eh hayst pano ba to.

"Sorry Hindi ko Naman sinasadyang madumihan yang damit mo eh."

"Hindi sapat Ang sorry para sa ginawa mong ito."

Itinaas ko ang ulo ko at tumingin ng nag tataka sa kaniya.

"Eh anong gusto mong gawin ko." Sinuri Niya Ang buong katawan ko at agad kong hinawakan Ang dibdib ko.

"Wag Kang ano Jan. Hindi Kita pag nanasahan saka Hindi Kita type" umirap nalang ako at tumayo ng maayos.

"Ano ba kasing gusto mong gawin ko para lang makabayad ako." Ngumisi lang siya ng maangas at inilapit sa mukha ko Ang mukha Niya.

"Mag panggap ka lang na gf ko for 1week"- siya

"Ano!! ..... Ano ka sinuswerte."- ako

"Mamili ka mag babayad ka ng cash ngayon o mag papanggap Kang gf ko?"

Wala na akong nagawa Kung Hindi pumayag sa gusto nitong lalaking to. Dahil Wala Naman akong ganon kalaking pera para bayaran siya.

"So anong desisyon mo" siya

"Oo pumapayag na ako." Tanging nasagot ko.

Hiningi Niya saakin Ang cellphone number ko at tatawagan nalang daw Niya ako Kung kelan kami mag sisimula sa pag papanggap namin.

PRETENDING GIRLFRIEND (Complete)Where stories live. Discover now