A Player's Passion

11 1 0
                                    

Hindi naging madali ang paglalakbay bilang isang breadwinner ng pamilya namin. Hindi sapat ang pagiging mulat sa reyalidad kapag kaharap ang mga pagsubok ng buhay, lahat ng tao ay kailangang matutong magsakripisyo, maghirap, at magtiyaga dahil ito lang ang tanging daan para may marating sa buhay. "Hindi madali, at mas lalong walang madaling daan sa buhay," ito ang mga katagang dala-dala ko sa buhay magmula nang magbago ang takbo ng buhay ko pagtungtong ko ng kolehiyo. Natuto akong magtiis at maghintay, dahil alam ko sa sarili kong mababayaran din ang mga paghihirap ko sa dulo. Pero bakit sa tuwing nararating ko ang dulo ay may naghihintay pa sa'kin sa kabilang dulo? Hindi ba lahat ng bagay ay may hangganan din? Hindi ba?

Mahirap umintindi ng mga bagay na hindi ko kailanman naintindihan, dahil hindi ko naman alam kung ano pa ang punto ng mga salita kung hindi naman matupad tupad. May mga araw na parang hindi ko kakayaning ipagpatuloy dahil hindi ko alam kung ano pa ba ang silbi ko rito sa mundo. May mga gabing hindi matahimik ang isip ko dahil sa mga bumabagabag na libo libong duda sa'kin. May mga luhang hindi ko kayang ilabas dahil natutunan kong magpigil. May mga katagang ang hirap bigkasin nang buong lakas dahil sa mga mabibigat na hiningang ibinubuga. May mga nararamdamang hindi ko kayang isantinig upang hindi na lumala pa ang mga sitwasyon at dahil na rin 'yon sa pighating nararamdaman ko. Hindi ko aakalaing maiisip kong hindi na 'ko normal na tao, at huli na nang mapagtanto kong sila ang sanhi ng tuluyang pagbago ko. Ang dami kong isinuko marating ko lang ang lugar kung nasaan ako ngayon, kung titignan ang proseso, hindi naging madali. Tumungtong ako rito nang may malinis na mga kamay at dala ko ang dignidad at dangal ko bilang tao at bilang manlalaro. Halos isuko ko na ang lahat pero ni minsan hindi ko nagawang isuko ang prinsipyo ko, dahil, 'yon lang ang alam kong kaya kong dalhin saan man ako mapunta sa mundo. Hindi ang kahirapan ang makakapigil sa'kin dahil, bagama't mahirap baguhin, kayang kaya kong umangat. Hindi sa opinyon ng mga tao malalaman ang halaga ko dahil sa una palang kilala ko na ang sarili ko. At mas lalong hindi pagmamahal ang ikatatapos ng buhay ko bagkus ito ay ang pinakapanghahawakan ko para maiangat ko ang sarili ko kada araw. Ang pagmamahal ko sa larong ito ang tumutulak sa'kin kada araw para magawa kong magtagumpay. 

Ngayon ko napagtantong normal pala ang mga bagay na itong nararanasan ko. Ang gandang tuklasin ang mga bagay na ngayon ko lang nalaman, at mas lalong gumaganda ang mga bagay na ito kapag ginagamit sa tamang paraan. Ang hirap hilumin ang mga sugat ng nakaraan, hindi lang oras ang kakailaganin para tuluyan nang mawala ang pinsala sa buong pagkatao ko. Napagtanto kong kailangan ko ring pakawalan ang hindi ko maabot kahit anong sipag ko. Minsan normal din namang bitawan ang mga bagay na minsan mo ring ipinaglaban. Masakit man, mas pipiliin kong ganoon na lamang kaysa naman ipagpilitan ko ang mga bagay na mas ikasisira ko. Totoong malayo na 'yung "ako" ngayon kaysa sa ako na nasanay na tahimik lang noon. Nakalulungot man na may mga bagay na hindi ko ginustong magbago sa buhay ko, hindi ko maitatangging mas masaya ako ngayong may mga biyayang dumating sa'kin, mga biyayang kapalit ng mga paghihirap na pinagdaanan ko matunton ko ang posisyon kung nasaan ako ngayon. Sa isang ikot ko ng bolang nagsilbing lakas ko, dito ko natagpuan at nalaman kung ano nga ba ang naghihintay sa'kin sa kabilang dulo. At sa bawat tira ng mga kamay ko ay isang kapalaran na kailangan kong harapin anuman ang mangyari.

"Ang buhay ko bilang manlalaro ay ang buhay na nagdala sa'kin kung saan matatagpuan ko ang sarili ko, at hinding hindi ko ito kailanman pagsisisihan."








This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

NO TO PLAGIARISM FOR IT IS A CRIME.

The contents of this book is not allowed to be reproduced, distributed, trasmitted, published, modified, exploited in any method nor created derivatively without the consent of the author.

This is my first book and it is written in TagLish (Tagalog and English). I am continuously learning by gaining experiences and reflecting on my actions. Expect ungrammatical sentences, wrong spellings, and whatsoever errors in this book. Discontinue reading if you're finding a perfect story.

Toxic readers will be muted. Respect and love one another, stop spreading hate and toxicity. reads, comments, and votes are highly appreciated. ♡

Started in April 2020

All the love,

msclaraloves

A Player's PassionWhere stories live. Discover now