[1] Calderock Kingdom

53.8K 880 67
                                    


Sue Alberona

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sue Alberona.

Siya ang dalagang hindi naniniwala sa salamangka o tadhana. Para sa kanya, ang mga tao ang gumagawa ng sarili nilang kapalaran. Ang mga desisyon nila ang nagpapaikot at nagpapatakbo ng kanilang kahihinatnan. Ang lahat ng nangyayari sa bawat tao'y hindi gawa ng tadhana kung hindi gawa ng sariling desisyon.

Ang mundo ay palaging nagtatago ng espesyal na lugar na aakalain mong hindi makakatotohanan. Isang lugar na napakaganda't kamangha-mangha. At sa oras na madiskubre ito ng ilan, sisiguraduhin nilang makukuha o masisilayan nila ito. Kung kaya't pilit itong itinatago sa karamihan dahil kung mas mahirap itong mapuntahan, mas lalo itong magiging espesyal. Ngunit, darating ang araw na mayroong nakatakda para madiskubre ito.

Isinandal niya ang kanyang ulo habang nakatanaw na madilim na kalangitan. Hindi nagtagal unti-unting umandar ang eroplanong kanyang sinasakyan at handa na sa paglipad. Pinagmasdan niya ang mga makikinang na liwanag sa madilim na gabi.

"Siguradong magiging masaya ang pagpunta ko sa Amerika." Nakangiting sambit niya sa sarili. "Ano kaya ang magiging resulta ng pagliliwaliw ko roon?"

Maya-maya'y nakita na niya ng mas maayos ang mga ilaw sa ibaba ng sinasakyang eroplano. Kung titingnan sa kanyang kinaroroonan ay tila ba napakatahimik ng mundo. Walang gulo, walang problema, at puro kapayapaan lang. Subalit, ang mundo ay tulad ng mga liwanag na nakikita niya sa ibaba. Kahit hindi mo pansin ay hindi pa rin maitatanggi na ang mundo ay nababalot sa kadiliman.

Sa madidilim na parte nagtatago ang ilang mga sikretong hindi nabubunyag. Kahit na isawalang bahala mo ang dilim at ituon mo ang pansin sa liwanag, mapapansin at mapapansin pa rin ang dilim. Dahil una sa lahat, hindi mangingibabaw ang kagandahan ng liwanag kung walang kadiliman.

"This will be a long journey. Siguradong ilang oras na maluluto ang pwet ko sa pwesto kong 'to."

Kaagad niyang kinalkal ang loob ng kanyang bag. Inilabas niya ang kanyang cellphone para magbasa ng kwentong nadownload niya online. Nakasanayan na niyang magbasa sa tuwing nagkakaroon siya ng libreng oras. Mabilis siyang naghanap ng babasahin, ilang minuto pa lang ang lumilipas ay kumunot na ang kanyang noo. Bumuntong hininga siya at piniling pindutin ang exit button.

"Hindi ko alam kung bakit hindi magawang tingnan ng mga mata ko ang kwentong mayroong numbers sa bawat words. Gusto kong maiyak sa tuwing sinusulat ang tunog ng sound effects kaysa sa isalaysay ang nangyayari." napahawak siya sa kanyang sentido. "Ganda pa naman ng cover."

Kaagad niyang tinanggal sa kanyang library ang kwentong kanyang binuksan. Nakailang scroll up and down na siya bago muling pumindot ng kwento. "Oh, okay ito nalang muna. Maayos-ayos ang prologue."

Sadyang nakakamangha ang mundo dahil may mga bagay na hindi natin aakalaing totoo. Mga lugar at pangyayaring kakaiba, napakasaya, napakadelikado. At kung titingnan mo ito ay siguradong nanaisin mong manatili. Kaya ang mundo ay itinago pa ang ilan pang bahagi nito. Mga bahaging hindi mo aakalaing sakop pa ng mundo upang masiguradong walang makakatapak sa lugar na iyon. Subalit, sa dinami-rami ng tao sa mundo ay mayroong isang nilalang na nakatadhanang tumuklas sa mga bagay na hindi pangkaraniwan.

Prince of DarknessWhere stories live. Discover now