1ST ONE - 30.

26 1 1
                                    

1ST ONE - 30.

"Bingsu! Pahingi naman," sabi ni Jia nang marating nila ang restaurant.

"May hinahanda na para sa inyo," sabi ni Max. "Upo na kayo. Hintayin natin sila Daehwa tapos mag-Bingsu muna bago dumiretso sa Hongdae."

Nagtabi-tabi na sila at nang matanggap ang sariling Bingsu ay masaya silang kumain at nag-usap-usap.

"07:30 hanggang 11:00 pm ang busking ngayong gabi," sabi ni Joker.

"May makakakilala sa inyo do'n, sure ako," sabi ni Jia. "Let's do some little promotion, shall we?"

"Maganda 'yon," sabi ni Yhena. "Mas maraming mag-a-anticipate, mas masaya. 'Di ba?"

"Anong klaseng promotion naman?" tanong ni Marina.

"Ginawan na namin ni oppa ng paraan," sagot ni Jia. "Kinausap ko siya kanina bago tayo magkaniya-kaniya."

"Kapag trabaho talaga, ang bibilis niyong kumilos," sabi ni Gift.

"Basta ba para sa inyo. We got you boys," nakangiting aniya. "Siguro naman may balak kayong mag-perfrom bukod sa makikisayaw kayo kasama ng ibang nandoon?"

"'Yung pinerform namin sa opening ng Seoul Music Awards," sabi ni Alpha.

"'Yun na 'yon," sabi ni Ace.

"Ah, 'yun na siguro," sabi ni Jia. "Mahilig akong makinood sa Daily Busking noon. And ito na naman ulit, makikisali na naman ako."

"Ang weirdo ng lalaking kausap mo do'n sa school niyo, Jia," sabi ni J.

"Si Raewon-sunbae? Sa totoo lang, nagtataka rin ako. Pero hahayaan ko na lang."

"Close ba kayo?"

"Hindi masyado. Marami akong friends sa school, pero si Kyomin ang masasabi kong closed friend ko. Si Raewon-sunbae kasi, siya ang unang-unang tumulong sa akin noong unang araw pa lang na pagpasok ko sa Hongik University. Hindi naging madali ang lahat sa akin. Kaya malaki din ang utang na loob ko sa kaniya. Naging busy na kaming pareho nang mag-dalawang taon ako sa school, kaya hindi na kami masyadong nakakapag-usap. Actually, ngayon na nga lang niya ako kinausap. At nalaman pa niya na babalik na ako ng Pinas."

"Siguro ay ma-mi-miss ka niya," sabi ni Ace.

"'Yon nga ang sabi niya. Kahit ako rin naman, I'll miss him. He's been a nice and helpful senior for me. He's my mister guider throughout my almost four years of staying in our school."

"Pero hindi ko pa rin talaga maalis sa isip ko iyong may sasabihin siya sana sa'yo kaso mukhang nahadlangan ko.."

"Pwede ko naman siyang kausapin bukas para tanungin siya," aniya. "Hindi mo kasalanan."

"Kaso ngayon, pareho tayong nagtataka kung ano ba ang nais niyang sabihin."

"Natural lang 'yon. Hayaan mo, sasabihin ko naman sa'yo kapag may sinabi na siya sa akin. Para naman maliwanagan ka't mabawasan ang pag-aalinlangan mo."

"Sige, aasahan ko 'yan ah?"

"Oo. H'wag ka nang sumimangot diyan.

"Hindi na nga. Nag-aalala lang ako."

Habang patuloy na nag-uusap ay naubos na ang kanilang kinakain na Bingsu. Pinagsama-sama ni J ang mga lagayan at kutsara, saka iyon inilagay sa lababo sa kusina.

"'Oy, hugasan mo na rin 'yan!" sigaw ni Joker. "Ikaw naman naka-assign ngayong araw."

"Sige, sabi mo nga," sabi ni J. "Hintayin niyo ako."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now