1ST ONE - 33.

11 2 1
                                    

1ST ONE - 33.

Mula sa kaniyang kotse, nakita niya ang soon-to-be boyfriend ni Jia na nagmamadaling tinahak ang daan papuntang 7-11 store. Lumipas ang limang minuto ay nakita niya na may dala na itong plastic bag at muling tinahak ang daan.

Pinaandar niya ang kotse at sinundan si Ace. Napagtanto niya na didiretso ito sa FirstOne Entertainment, at doon nga siya bumaba. Ihininto niya ang kaniyang kotse na may kalayuan mula sa building ng Entertainment.

Namukaan niya ang lalaking nandoon, si Minje. Ang lalaking kasa-kasama ni Jia sa tuwing makikita sa kanilang school. Ang lalaking kinaiinggitan niya dahil sa pagiging close kay Jia. Hindi maipinta ang pagmumukha ni Minje, tumalikod siya at pumasok sa building.

Hindi naman talaga masama ang kaniyang pakiramdam. Sinadya niya iyong sabihin upang sa pagkakataong hanapin siya ni Jia, iyon ang malalaman ng dalaga. Sinadya niyang iwasan si Jia.

Nang nasa train station sina Ace at Jia, sinadya niyang hindi magpakita sa kanila. At nang makarating sa Entertainment, nakita niya na hindi maganda ang pakiramdam ni Jia, nilagpasan pa nga nito si Minje.

At habang nag-uusap sina Minje at Ace, nakakatawa't hindi siya napansin ng dalawa. Narinig at naunawaan niyang lahat ng pinag-usapan ng dalawa.

"She got sad, because I ignored her. It's for our own good," sabi niya sa sarili. "Then now, she's sick. I suddenly got worried. But she can't see me. Maybe, I'll just tell Ace the truth. I know I can trust him."

**

Nasa mall na sila Yhena. Naiwan sina Ace, Jayson at Gift. Nasa restaurant pa rin sila habang tahimik na nakain.

"Ace, someone wants to talk to you," sabi ni Minje mula sa labas.

"Who?"

"Me."

Napatayo si Ace at kaagad siyang nilapitan.

"What do you wanna talk about?" kaswal na tanong niya kay Raewon.

"Come with me."

"But I need to take care of Jia. She's sick, you know."

"Ako na ang bahala sa kaniya," sabi ni Jayson. "Sige na. Baka importante 'yang pag-uusapan niyo."

Nilingon ni Ace si Raewon. "Fine. I'll go with you."

"Come in."

Sumakay sila sa kotse ni Raewon. Nakarating sila sa isang tulay na nasa ibabaw ng isang ilog malapit sa N Seoul. Dahil gabi na, maraming mga ilaw ang makikita sa paligid. Hindi rin mawawala ang ugong ng mga sasakyan.

Pumarada ang kotse sa gilid ng tulay. Kaagad na bumaba si Raewon, at sumunod sa kaniya si Ace. Pareho nilang tinunghay ang ilog habang nakalagay ang mga kamay sa pasimano ng tulay na iyon.

"What?" tanong ni Ace nang lingunin siya ni Raewon. "Just be direct to the point. Hmm?"

"Fine." Bumuntong-hininga si Raewon. "I like Jia."

"What? For how long?"

"I just felt it. For almost a year, I guess. It's not that hard for me to like her, you know," diretsong paglalahad ni Raewon. "What can you say? I like your girl. Won't you do anything?"

"Does she know it? If not, why don't you confess?"

"I was about to confess, but you 'interrupted' the moment. And you know what, I was shocked to know that you're her soon-to-be boyfriend. It's an end game for me already."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang