1ST ONE - 34.

17 3 1
                                    

1ST ONE - 34.

Kinaumagahan, sa space ni Jia.

Nagising si Ace dahil sa kanina pa tumutunong ang cellphone ni Jia. Halos sampung beses na nga itong tumutunog. Nilingon niya ang dalaga, mahimbing itong natutulog habang nakayakap sa kaniya. Gamit ang kaliwang kamay ay sinikap niyang abutin ang cellphone na nasa ibabaw ng study table.

07:10 am, September 23.

~Kyomin calling. . .~

"H-Hello?"

"Jia? Why aren't you answering? I've been calling you since earlier," sabi ni Kyomin. "There's no classes today. There's a private event inside school. As I was about to go inside, the guard stopped me. I'm now heading back home."

"I'll just tell Jia about that," sabi ni Ace. "Thanks."

"Why Jia isn't answering------Are you there Ace?"

"Yeah, it's me. I'll just tell her about what you said once she wakes up. She's still sick."

"What? She's sick?"

"Yeah, when we got home she began to feel unwell. But we already took care of her, don't worry," aniya. "May I know what's that private event?"

"I don't know. The guard didn't tell when we asked him. But I guess it's good if we don't have class for today, and the fact that Jia's sick. I'll hung up."

"Thanks for informing. Bye."

"Bye."

Ibinalik niya sa study table ang cellphone, saka muling nahiga. Nilingon niya ang dalaga na hindi man lang nabitaw sa kaniya. Napangiti na lamang siya at inalis ang buhok na natatakpan ang kaniyang mukha.

"Ako na ba ang magsasabi, o hahayaan ko silang mag-usap ni Raewon?" mahinang tanong niya.

Biglang bumukas ang pinto.

"Hindi pa nagising si Jia?" tanong ni Jayson.

"Tumawag ang classmate niya. Wala silang klase ngayong araw, may private event daw sa school nila. Hindi niya alam kung anong event ang meron," sagot niya. "Hayaan na lang muna nating matulog si Jia. Hayaan nating magpagaling siya nang lubusan."

"Okay. Aalis kaming lahat."

"Saan kayo pupunta?"

"Sina Marina at Yhena, pupunta sa grocery. Tapos kami, pupuntang arcades. Hindi pa sila nagsawa kagabi," natatawang aniya. "Alam kong hindi ka sasama, kaya aalis na ako."

"Sige, ingat kayo."

"Sige."

Muling sumara ang pinto. Napapikit si Ace at mayamaya'y nakatulog siyang muli.

**

Nagising si Jia. Napahawak siya sa ulo dahil sa siya'y nahihilo. Napatingala siya at nakitang natutulog si Ace.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga at kinuha ang kaniyang cellphone. Nakita niya na maraming missed calls si Kyomin sa kaniya, at may isang text message. Binasa niya iyon.

Nang mabasa ay tiningnan niya ang oras. 09:15 am.

Kaagad siyang dumiretso sa kaniyang closet at kumuha ng damit na susuotin para sa araw na iyon. Pagkakuha ng mga dapat kunin ay dumiretso siya sa banyo para maligo.

Sa mga sandaling siya'y naliligo ay may iniisip siya. Iwinaksi na lamang niya ito at minadali ang pagligo. Kasalukuyan na siyang nagpupunas ng katawan. Mayamaya pa'y isinusuot na niya ang kaniyang damit.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon