1ST ONE - 37.

16 3 1
                                    

1ST ONE - 37.

Huminto ang van sa Seoul International Airport. Isa-isang ibinaba ang mga maleta at iba pang mga gamit. Sama-sama silang naglakad sa loob at dumiretso sa departure area. Magkakatabi silang naupo sa mga upuan na nandoon.

"Finally, makakauwi na rin after four years," sabi ni Jia habang nakatingin sa malaking screen sa di-kalayuan. "Miss ko na sila tita."

"Ako, miss kita," sabi ni Ace. "Salamat sa singsing."

"Sus, 'wag ka nang maano diyan," aniya sabay hawak sa mga kamay ni Ace. "Kapag tapos na kayo sa training, pwede mo naman akong tawagan, e."

"Sige ba, aaraw-arawin ko pa."

"H'wag naman araw-araw, kailangan ko ring magpahinga. Saka may mga iba pa akong gagawin," aniya.

"Oo na sige. Pero mami-miss talaga kita."

"Ako rin. After one month, palagi na tayong magkasama. Hindi ba't masaya 'yon?"

"Palaging magkasamang kakain, gagala, kasama sa pagtulog----"

"No."

"Anong no?"

"Hindi na ako tatabi sa'yo sa pagtulog."

Narinig nila ang bungisngis ni J sa likuran.

"Oh? Anong itinatawa-tawa mo diyan?" tanong ni Ace sa kaniya.

"May pinapanood kasi ako. H'wag ka nga," sabi ni J.

"Bakit hindi na?" baling ni Ace kay Jia.

"E sa ayoko," natatawang sagot ni Jia. "Nasanay ka nang katabi ako, 'no?"

"E halos hindi na umalis sa pagkakayakap sa'yo nang makita ko kayo kanina," sabi ni Alpha na nasa likuran din nila. Natawa siya pagkatapos.

"E may sakit siya, gusto ko lang namang maibsan ang lamig na naramdaman niya," sabi kaagad ni Ace.

"E maging no'ng nakaraan, nakita kong nakayakap kay kay Jia," sabi ni Jayson. "Ay, oo. May lagnat din pala siya no'n."

"E 'yung isa pang nakaraan," sabi ni J. "Siguro kung walang teddy bear sa pagitan niyo e di yakap-yakap mo na naman si Jia?"

"Hoy," sabi ni Ace.

"Chancing na ba tawag do'n?"

"Hoy walang gano'n, J," sabi na naman ni Ace. "As if papayagan niya akong yakapin siya nang walang dahilan?"

"Nahiya naman kami ni Yhena sa inyo," sabi ni Alpha sabay tawa na naman. "Gusto naming magtabi kaso hindi pwede. Tapos kayo-----Ay grabe. Haha!"

"As if naman na papayagan kita?" natatawa na ring sabi ni Yhena.

"Mas nahiya kami ni Max," natatawang sabi pa ni Marina. "Mas okay na kami sa magkatabi kaming nakaupo, tapos holding hands. Pero 'pag ganiyan, no muna. No."

"As if namang gusto ni Max ang gano'n?" sabi ni Joker. "Hindi naman siya mahilig sa yakap-yakap. Hindi gaya ng isa diyan, hahaha!"

"Ako naman ang kinakawawa niyo," natatawang sabi ni Ace.

"Malakas ka daw e," sabi ni Jia. "Pero, wala namang problema sa akin kung yakapin niya ako nang walang dahilan. Ang ayaw ko lang, ayaw ko ng PDA. Nakakawalang respeto sa mga 'single', saka hindi rin maganda para sa image naming pareho."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now