1ST ONE - 39.

10 3 1
                                    

1ST ONE - 39.

Sa loob ng halos dalawangpung minuto ay nagawang sagutin ni Yhena ang rumbled questions ni Professor Ethan. Halos ma-nosebleed na siya dahil kailangan na in English lahat ng sagot.

Nang tuluyang matapos ay umupo na siya kaagad. Nakapagpakilala na ang bago nilang kaklase.

"Sit beside Yhena, iho," mayamaya'y sabi pa ng propesor habang inaayos ang projector.

Kaagad itong lumapit kay Yhena at naupo sa bakanteng upuan sa kaniyang kanan. Nasa ikatlong row sila mula sa unahan.

"Hi! I'm Sam, sana maging friends tayo," nakangiting sabi niya kay Yhena.

"Yhena. Nice to meet you. Sure, we can be friends," aniya habang nakatutok ang paningin sa unahan.

Nagsimula ang diskusyon sa araw na iyon.

"Yhena," sabi ni Aya nang lumipas ang isa't kalahating oras ay umalis si Professor Ethan sa classroom. "Grabe ang kaba ko kanina!"

"Sabihin mo, sumama ka sa party, ano?" Lumingon sa kaniya si Yhena.

"Oo. E masyado akong nag-enjoy. Buti na nga lang nandiyan ka e. Salamat kamo kay Alpha."

"Salamat talaga sa kaniya."

"Kumusta na nga pala siya? Ang 1st.One?"

"Okay naman. Busy sa training. By the way, may ipapakilala ako sa'yo mamaya sa lunch time. Naka-video call mo na sila."

"Sino? Sina Jia at Marina?"

"Buti at natatandaan mo pa sila?"

"Oo naman! Mutuals ko na nga sila sa Instagram, e!" Ipinakita niya ang cellphone kay Yhena. "Ikaw ba? Gumawa ka na kaya ng Instagram account?"

"Ayoko. Facebook lang, okay na. Saka hindi ako masyadong mahilig sa social media."

"Sige, sabi mo e. Sila ang pupunta dito?"

"Oo, nasa kanila na ang address. Hihintayin na lang natin sila."

"Saan ba sila manggagaling?"

"Si Marina ay sa Rizal. Si Jia naman ay sa Laguna pa," aniya. "Ang sabi sa akin ay sa October na daw magaganap ang school competition, na-reschedule daw."

"Oo. Sino nagsabi sa'yo?"

"Tinawagan ako ni Coach Baltazar malamang. Na-move na nga e moved na naman."

"Gano'n talaga, haha! Wala bang next subject?"

"Guys, wala tayong class hanggang lunch time," sabi ni Anne, ang class president. "Gaya ng nakasanayan, it's either sa cafeteria, bookstore or sa court ang punta niyo."

"'Yun naman pala," sabi ni Yhena. "Mag-practice na lang tayo kamo sa chess. Isang linggo nawalan ng practice e."

"'Oy, babaita! Tara!" Mula sa labas ay basta na lamang pumasok si Briana sabay hatak kay Yhena. "Practice daw sabi ni coach! Nandoon ang crush ko, bili!"

Natawa sina Yhena at Aya.

"Ayan ka na naman e. Tara na nga."

"Pwedeng sumama?"

"Sige, Sam. Sama ka na."

"At sino naman iteyyy?" tanong ni Briana. "Hi, I'm Briana. But I can be yours if you want, hihi! Ang gwapo mo!"

One Series: The Dream (1st One + Gift)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora