1ST ONE - 42.

21 3 1
                                    

1ST ONE - 42.

October 09.

"Hello, admins. Salamat at naka-attend kayo sa biglaang Zoom meeting na ito. May magandang balita akong sasabihin." Nasa loob ng kwarto ang dalaga, kaharap ang kaniyang laptop.

"Yes, tungkol saan?" tanong ni Nica.

"Tickets na ba 'yan?" tanong ni Reece.

"Kagigising ko lang, pasensya," sabi ni Raine. "Ang aga naman ng meeting?"

"Ano ba, 09:00 am na," sabi ni Clint. "Good morning."

"Katatapos lang ng first subject ko, kaya pasensya na at biglaan ang meeting na 'to. Busy ako buong araw. Mabilis lang 'to," sabi ng dalaga at may kinuha sa drawer. "Mayroon tayong thirty plane tickets, same sa tickets para sa debut launch."

"Wow," sabi ni Reece. "Hindi na tayo mamomroblema kung gano'n."

"Magandang balita 'yan," sabi ni Nica.

"Lahat naman siguro kayo ay may passport?" tanong ng dalaga.

"Oo naman," sabay-sabay nilang sagot.

"Kailangan niyong kumuha ng tourist visa. Mayroon akong both Philippine and Korea passport. Mag-re-renew ako ng visa. Mabilis lang naman tayong makakakuha no'n. Kailangan lang nating kausapin ang Korean Embassy dito sa Manila."

"I guess dalawang linggo tayong maghihintay," sabi ni Ayna.

"Kung ngayon tayo mag-aasikaso, may chance na mas mapaaga ang pagkakaroon natin ng visas. Kaso, busy talaga ako ngayong araw. Siguro, bukas na lang? I'll send you guys the requirements para ako na mag-aasikaso ng tourist visa niyo."

"Samahan na kita," sabi ni Joylife. Isa siya sa head admin ni Max.

"Salamat kung gano'n. Magkita na lang tayo bukas. Pakidala na lang dito sa dorm ang requirements na kailangan ko."

"Ako na magdadala," sabi ni Nica.

"Salamat, Ate Nica." Ngumiti ang dalaga. "Dalawang araw lang tayo sa Korea, dahil saglit lang naman ang launching event. And I know, gusto niyong maggala doon, kaya hahayaan namin kayo. Sama-sama naman tayong uuwi, kasama na ang 1st.One. May pagkakataon ding baka tayo ang mauna at mahuli sila since balita ko ay may promotions sila sa Korea after ng debut launching."

Nagsitanguan ang lahat. Nagkaroon pa ng kaunting pag-uusap at tuluyang natapos ang kanilang Zoom meeting.

Lumipas ang tatlong araw, araw ng school competition ni Yhena. Today's October 12, 10:00 am. Mag-isang bumiyahe si Jia papuntang school sa pamamagitan ng pagsakay sa bus. Muli silang nagkita ni Marina sa bus station, at sabay na tinungo ang paaralan para bigyan ng suporta ang kanilang kaibigan.

"Mga ate!" nakangiting sabi ni Aya nang makita ang dalawa sa gate ng school. "Nandito na pala kayo."

"Talagang pinaghandaan mo ang pagdating namin, ah?" pagbibiro ni Marina. "Damang-dama at kitang-kita na may event na magaganap dito."

"Kami ang host school kasi." Ngumiti si Aya at sumenyas. "Tara na. Dumiretso na tayo sa court. Baka mawalan tayo ng pwesto."

"Anong oras ba magsisimula?" tanong ni Jia habang naglalakad silang tatlo. "Oh, Sam! Nandiyan ka na pala."

"Oh, hi sa inyo," nakangiting sabi ni Sam habang nakaupo sa gilid ng court. "Magsisimula na ang laban."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ