Kaibigan

62 3 0
                                    

Sana magustuhan ni Bestfriend yung niluto ko para sa kanya. Ok andito na ko sa Bahay nila.

*tok tok tok*

*bumukas yung pinto*

"Goodmorning Tita ^_^... si Shai po?" tanong ko kay tita Shaira

"Naku Nathan si Shaireen nasa ospital .." malungkot na sagot ni tita Shaira

"Po? ano pong nangyari? Malakas naman po si Shai , bakit siya magkakasakit?" tarantang tanong ko ulit kay tita

Kinuwento ni Tita Shaira kung anong nangyari kay Shai 

"Hayop talaga yung lalaking yun , Mapapatay ko siya!" sigaw ko

"Nathan ang mabuti pa puntahan mo na lang siya.. alam naming ikaw lang ang kakausapin niya " sabi ni Tita Shaira

"sige po tita.." sagot ko na lang

Patungo na kong ospital kung saan andun si Shai. Di ko lang matanggap na kaya siya na-ospital ay dahil sa boyfriend niya na bestfriend ko. Nag-away daw sila tapos na-stress si Shai kasi hindi nagpaparamdam si Dane. Hindi siya kumakain, natutulog, lagi siyang umiiyak hanggang sa nahimatay siya at dinala na sa ospital.

"miss ano pong room ni Shaireen Mae Castro?" ako

"kaano-ano po ng pasyente?" nurse

"Kaibigan." ako

"wait lang po ah....sir bawal po ang hindi kamag-anak pasensya na po" sabi ng nurse

Anak ng..

"ano? kaibigan ako , bestfriend ako ng pasyente bakit bawal?!" ako

"sir yun po ang sabi.. sumusunod lang po ako" nurse

"pero..." di na ko natapos magsalita dahil merong nagsalita

"Nathan?" 

lumingon ako... Kuya ni Shai

"Kuya Renz" sabi ko

" Sumunod ka..." sabi ni kuya Renz

"ilang araw ng nandito si Shai pero walang nangyayari.. sobrang tigas kasi ng ulo niya hanggang ngayon hindi pa rin siya kumakain at lagi siyang nagwawala.. Nathan alam kong ikaw lang ang kakausapin ni Shai kaya ako na ang nakikiusap... ibalik mo sa dati si Shai hindi yung ganito siya " sabi ni Kuya Renz

"Kuya Renz kahit di mo na sabihin yan gagawin ko yan." ako

"Ayoko sa inyo!! Umalis na kayo Dito!! hindi kayo ang Kailangan ko !!" sigaw ni  Shai

"kailangan ka talaga ni Shai kaya ikaw ng bahala sa kapatid ko" tinap niya lang ako sa balikat at umalis na 

Pumasok ako sa kwarto. Nakita kong Umiiyak at nagwawala si Shai. 

"ako na pong bahala sa kanya" sabi ko sa mga nurse

"Shai..." tawag ko sa kanya at tinabihan siya 

"Sesermonan mo din ako? sige magalit na kayo sakin kasalanan ko inaamin ko ako yung may kasalanan!! Ano? saktan mo na ko " kinuha niya yung kamay ko at ipapalo niya sana sa sarili niya pero pinigilan ko siya

"Shai ano ba!? ano na bang nangyayari sayo? dahil lang sa kanya kaya ka nagkakaganyan .. halos magpakamatay ka na sa ginagawa mo?!" bulyaw ko sa kanya

"oo na ako na ! ako naman talaga eh! ako na masama ako na talaga grabe ! " tapos umiyak siya 

"ssshh .. wag ka ng umiyak nandito ako .. nandito si bestfriend para sayo.." sabi ko 


Biro Lang PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon