1ST ONE - 44.

14 3 1
                                    

1ST ONE - 44.

Pagkakain ay dumiretso sina Nica, Jia at Christian sa kotse na nasa labas ng dorm. Naging mabilis ang biyahe. Mula Quezon City ay nakarating sila sa Calamba, Laguna sa loob ng isa't kalahating oras.

"Nasa subdivision din pala sila," sabi ni Christian. "Anong sasabihin ko sa guard?"

"Sabihin mong kakilala ka ni Jodieana Luna Falabrica," sabi ni Nica.

"Okay."

"Sir, mga ma'am, pasasaan kayo? May kakilala ba kayo dito?" tanong ng guard nang huminto ang kotse sa tapat ng guardhouse.

"Kakilala ako ni Jodieana Luna Falabrica," sagot ni Christian. "Pwede na ba kaming pumasok?"

"Naku, sir. Hindi ho pwede."

"Ha? Bakit?" tanong ni Nica. "Kailangan namin siyang puntahan. Kung pwede sana e papasukin niyo na kami."

"Sige ho, kayo bahala."

"Sige na, couz," sabi ni Jia.

Umandar ang kotse. Nakarating sila sa dulong bahagi ng kalsadang iyon bago marating ang daang paliko sa gawing kaliwa papunta sa ibang kabahayan.

"Ihinto mo na," sabi ni Nica. "Bigla akong nag-aalala."

"Bakit, Ate Nica?" nagtatakang tanong ni Jia at sumunod na bumaba mula sa kotse.

Lumapit si Nica sa pulang gate at kaagad na pinindot ang doorbell. Nakita nila na lumabas ang isang lalaki na may katangkaran at nakasuot ng sando at shorts. Binuksan niya ang gate at sinamaan ng tingin si Nica.

"Nandito ka na naman, Armyr?" pang-iinsulto nitong aniya. "At may kasama ka pa, ha? Magpapaka-hero ka ba this time?"

"H'wag mo akong matawag-tawag na Armyr," naiinis na sabi ni Nica. "Nasaan si Jodie?"

"Ayon, namimilipit ang katawan sa sakit. Napaka-inutil na bata kasi."

"Walanghiya ka. Ibigay mo na lang sa akin si Jodie. Bakit nga ba hindi alam ni Gift na sinasaktan ang kapatid niya ng isang demonyong gaya mo?"

"Ako ang ama niya. Sasaktan ko ang anak ko kahit kailan ko gusto. Saka, sino ka ba? Hindi mo naman siya anak, hindi ba? Saka, mukhang wala namang pakialam ang kapatid niya, e. Hayun siya at nagpapakasarap sa Korea-Korea na 'yan. Sarili niya lang iniintindi niya."

"Hindi niyo alam ang sinasabi niyo." Bumuntong-hininga si Nica. "Bakit ba kayo nagkaganyan? Ano bang ginawa sa inyo ng anak niyo at ginaganyan niyo, ha?"

"Ano bang pakialam mo?"

"Sir naman, anak niyo 'yan, e! Dapat hindi niyo pinagbabawalang pumasok sa school. Dapat hindi niyo sinasaktan. At dapat hinahayaan niyo siyang makausap ang kuya niya. Alam niyo bang nag-aalala siya kay Jodie? Gustuhin man niyang pumunta dito ay hindi niya magagawa, sa ngayon. Kaya sana, hayaan niyong makausap ko ngayon si Jodie. Sige na ho."

"Jusko," mahinang sabi ni Jia. "Hindi ko alam na ganito ang nangyayari. Walang nababanggit si Gift about dito.."

"Paano siya makakapunta dito? Ang sabihin mo, ayaw niya talagang puntahan ang kapatid niya. Ayaw niyang kumustahin siya. Ayaw niyang kumustahin ang papa niya," sabi ng lalaki at akma nang isasara ang gate ngunit hinarangan iyon ni Nica.

"Hayaan niyo akong kausapin si Jodie, please," sabi pa ni Nica.

"Sige. Puntahan mo sa sa loob. Tingnan ko lang kung hindi ka maawa sa kalagayan niya."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon