1ST ONE - 45.

55 2 2
                                    

PAALALA:

📌U can read other 1st One stories in my reading list: 1st One Stories of For One Writers so kindly visit my profile here in Watty ~
📍For inquires, just message me in Facebook dahil mas active po talaga ako diyan (Sophia Ashley Alegria), Twitter/Instagram (@spyvljhn) or just directly message me here in Watty ~
📍Stan 1st One ~ They're worth to stan, I assure y'all ~
📍 Enjoy reading and imagining ~

-sophiaawp.



**

1ST ONE - 45.

"Hmm?" sabi J at lumingon. "Oh, Jia! Nakabalik ka na pala!"

"'Uy, welcome back," sabi ni Joker. "Si Jodie na ba 'yang kasama mo?"

"Si Jodie?" Napalingon sila kay Gift na kababangon lang mula sa paghiga sa sahig at kaagad na niyakap ang kapatid. "Jodie!"

"Pinauna na kami dito ni Ate Nica," sabi ni Jia at naupo katabi ng isang speaker kung saan ay nandoon din si Jayson. "Hey."

"Oh, sis," aniya. "Buti nakarating kayo ng ligtas."

"Syempre. Oh, kumusta kayong lahat?" Nilingon niya ang anim. "Dapat ay natutulog na kayo ngayon."

"Matutulog na rin kami," sabi ni Max. "Napansin mo ang mga pagbabago, ano?"

"Oo. Ano nang ayos ng second floor?"

"Ayon, lahat ng kwarto doon ay ginawa ng pahingahan. Dito na ang practice room namin, kasi mas malaki at maluwag 'to. Sa kabila ang recording room. Tapos 'yung hagdanan at elevator, mas magagamit na nang madalas. Lahat ng nagtatrabaho sa building na 'to ay dito na manunuluyan."

"Mabuti 'yon. Siya, ano pang hinihintay niyo? Aba e magpahinga na kayo. I'm sure maaga pa kayo bukas. Kailangan niyong makapagpahinga nang maayos."

"Hmm. Good night sa inyo," sabi ni Alpha.

"Bukas na lang tayo mag-usap-usap. Sige na."

"Good night," sabi ni J. Sumunod na siya kina Alpha at Joker na lumabas sa practice room na iyon.

"Kayo rin, Max, Jayson. Good night sa inyo."

"Good night, Jia."

"Good night, sis."

"Nailagay ko na sa space mo ang maleta at bag mo," sabi ni Ace sabay hila sa kaniya patayo. "'Yung kay Jodie, idiniretso ko sa kwarto ni Gift."

"Ah okay. Nandoon pa ba iba kong gamit?"

"Oo. Wala namang nabago do'n, 'yung ibang kwarto lang. Magkakatapat pa rin mga kwarto natin."

"Ah." Lumapit ang dalaga kina Gift at Jodie na nakaupo habang nakasandal sa isa't isa.

"Nakatulog na siya. Ako na magdadala sa kaniya sa kwarto mo. Sumunod ka na lang, hmm?"

"Sige, salamat." Lumingon sa kaniya si Gift.

Dahan-dahang binuhat ni Ace si Jodie at kaagad na naglakad palabas. Tinanggal ni Jia sa saksakan ang lahat ng speaker at saka iyon iginilid. Tumabi siya kay Gift, at saka nginitian ito.

"Masaya ka ba?" tanong niya. "I know, hindi madaling tanggapin ang mga nangyari. Ang mahalaga naman e kasama mo na kapatid mo, 'di ba?"

"Tama ka," mahinang sagot ni Gift. "Salamat nga pala."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant