Her Virgin Brother

191K 1.5K 99
                                    

PROLOUGE

<Colyn's POV>

"Edrik!" sigaw ko sa kuya ni Polly ng lumabas ito sa bahay nila.

Si Polly ay ang matalik kong kaibigan-slash-IDOL.

Bakit IDOL? Dahil siya lang naman ang pinakasikat na writer ng Playgirl Magazine.

Pero wag natin siya pagusapan dito.

Dahil storya NAMIN ito.

NAMIN ni Edrik ko.


Huminto ito sa paglalakad at namewang paharap sa akin.

"Kanina ka pa umalis ng bahay, Miss." Tumingin ito sa wristwatch niya tyka balik na tumingin sa akin. "Kung gusto mo makausap si Polly, pumunta ka sa bahay." Masungit na sabi nito tyaka nagpatuloy na naglakad.

Wala sa sariling sinundan ko ito. Oo. Sinundan ko siya. Kanina ko pa lang siya nakita pero parang INLOVE na INLOVE na ako sa kanya.

Kung ito yung tinatawag na LOVE at FIRST SIGHT.

So be it.

Huminto ito sa paglalakad at lumingon ulit sa akin.

"Bakit mo ako sinusundan?"

"Kasi.." Nagkamot ako. ".. gusto kita?"

Totoo naman. Bakit kailangan ko pang ilihim na gusto ko siya? Mahihirapan lang ako pag nagkataon.

"Wala ako sa Mood makipagbiruan, Miss. Kaya please lang wag mo ko sundan." Tumalikod na ito tyaka naglakad ulit.

Ilang sandali lang ay kusa nanaman akong sumunod sa kanya.

Huminto nanaman ito at lumingon sa akin. Mukhang iritable na.

"Ilang beses ka ba iniri ng Nanay mo, Miss?"

"Isa."

"Isa lang pala eh, Bakit ang kulit mo?"

"Makulit ako dahil gusto kita."

Nawalan na ata ito ng pasensya kaya wala sa sariling nasuklay nito ang daliri sa buhok.

"Diba sabi ko sayo wala ako sa Mood makipagbiruan sa iyo."

"Eh, hindi naman ako nagbibiro eh. Gusto talaga kita."

Nagsmirked ito. May kinuha ito sa bulsa ng shorts tyka lumapit sa akin.

Her Virgin BrotherWhere stories live. Discover now