Prologue

9 2 0
                                    

Expect typo grammatical errors

Plagrism is a crime.


-LOVE THE WAY YOU LIE-



"Anong gusto mong palaman?" tanong sa akin ng bunso kong kapatid.

"Peanut butter nalang"sagot ko rito.

Kaming dalawa lang sa bahay dahil ang kuya namin ay nasa trabaho.

Wala na kaming mga magulang,3 years na silang patay.

Tanging si Kuya at ako nalang ang nag-aalaga sa labing-siyam na taong gulang namin bunso.

"Marilou dito ka lang sa bahay bibili lang ako sa labas" tumango siya bilang sagot.

Dinala ko ang cellphone ko para i-text si Juvy,ang chismosa kong kaibigan.

Agad akong nagtipa "Hoy saan ka na?" ilang minuto bago ito nag-reply.

"Nandito na ako sa likod mo" agad kumunot ang noo ko sabay lumingon sa likod.


Ayon ang ate niyo nakaupo sa halamanan.


"Kanina pa ako naghihintay dito" pagrereklamo niya.


"Hindi ko naman pwedeng iwan agad-agad yung kapatid ko,wala naman magbabantay sa kanya kundi ako lang" ani ko.


"Daming dada lika ka na sa tindahan libre kita ng ensaymada" agad niya akong hinila papunta sa kalapit na tindahan.


Tanghaling tapat at maraming taong bumibili sa tindahan. May nagpapaload at mayroong naka-tambay sa tapat ng tindahan dahil umiinom.


Tanghaling tapat nagiinom.


"Hoy baka gusto mong tumabi" kinalabit ako ng isang lalaki sa aking likuran.


Matangkad ito at makinis ang mukha may hawak siyang isang libo at tingin ko bibili din siya dito.


"Aba-aba pumila ka,nakapila ako" tinaasan ko siya ng kilay.


Wala man lang reaksyon ang kanyang makinis na mukha.Siguro anak mayaman to.


Nasa harap ko si Juvy at nakikipag-usap sa mga lasing.


Habang ako naman ay pinapakiramdaman lang ang lalaki sa aking likuran.


Maya-maya pa naramdaman kong  umalis siya sa kanyang pwesto.


Hindi ko na siya nilingon wala naman akong pake sa kanya eh.


Lumipas ang dalawang minuto hindi pa din kami nakakausad.


Kaya naman agad kong sinilip kung anong nangyayari sa harapan.


Nanlaki ang aking magagandang mata.


Ang lalaki sa aking likuran kanina,ayon nauna pang nakabili kaysa sa amin.


Tinitigan ko siya ng masama.


Napadpad ang kanyang tingin sa akin.


Wala man lang siyang reaksyon.


Nang makuha niya na ang mga kailangan niya agad itong umalis at iniwan ang sukli.


Nakakabanas yung taong yon ah.


Nagugutom ulit ako.

Love the way you lieWhere stories live. Discover now