Day 1

4 1 0
                                    

SCRIPTURE
Roma 8:6
"Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan"

OBSERVATION
●sinasabi dito mga kapatid na ang paghangad ng pansarili lamang ay maaring magdulot ng kapahamakan lalo pat kung ang bagay na ito ay hindi kalugod-lugod sa harapan ng Diyos kayat kapatid kung ikaw ay nagnanais ng buhay at kapayapaan nararapat lamang na ang salita ng Diyos ang siyang iyong hangarin na maunawan.

APPLICATION
●Sikapin mo na ang mga bagay na iyong hahangarin ay naayon lamang sa kagustuhan ng panginoon wag kang mag hangad ng isang bagay na alam mong hindi naman nararapat wag kang mag desisyong mag isa na gawin ang isang bagay na alam mong sa huli ito ay ikakapahamak mo lamang mag desisyon ka kasama ang Diyos at tiyak ako na ang bagay na iyong mapag
de-desisyunan ay siyang makakapagligtas sayo sa kapahamakan, sa alanganing sitwasyon, o maging sa kamatayan, sapagkat matapos mong mag desisyon kasama ang Diyos kanya ka niyang inilagay sa mapayapang sitwasyon at binasbasan ng kaligtasan.

PRAYER
●Panginoon tulungan mo po kami na ikaw po ang aming mapaluguran at hindi ang aming sarili o ang sino man tulungan mo po kami panginoon na mapagdesisyunan ang nararapat nawa panginoon wag mo pong ipahintulot na ang aming  pong masunod ay ang aming pansariling kagustuhan kundi ang iyo po panginoong  kagustuhan.. Amen.

God Bless us po😇❤️

Daily DevotionWhere stories live. Discover now