Prolouge

1 0 0
                                    

"Ky kita mo yun?"

Tanong ni Miya kaya lumingon ako sa itinuro niyang direksyon at nakita ko ang isang sikat na hotel dito sa amin kaya lumingon ako sa kanya ng may pagtataka.
Ng lumingon sya sa akin ay tinanung ko sya.

"Bakit Mi anong meron sa sikat na hotel nayan"

"Sabi ko na ngaba at huli kananaman sa balita nako eh, namatay lang naman ang may ari nyang hotel na yan kahapon dimo ba narinig eh ang ingay ng balitang yan" namatay?

"Si Mr.Dirriko Dunvas"

Tumango nalamang ako sa isinagot nya at nag patuloy kami sa paglalakad papuntang mall dahil mag-grogrocery pakami ng mga kakailanganin namin sa apartment sa susunod na dalawang buwan.

Pagkarating namin sa mall ay dumiritso kami sa grocery area at kumuha ng isang cart para lagyan ng mga bibilhin namin.
Pumunta kami sa mga can goods at si Miya ang pumipili at naglalagay sa cart at ako naman ang sumusunod sa kanya nanagtutulak ng cart.

(....)

Pagkatapos naming bayaran ang mga ipinamili namin ay lumabas na kami ng mall at nag-antay ng taxi para maka-uwi na.
Ilang segundo ay may nakitang taxi si Miya.

Pagkarating namin sa inu-upahan naming apartment ni Miya ay humiga sya kaagad sa sofa na nandon sa aming maliit na sala.

" Nakakapagod"maktol nya

"Hmm...magpahinga kana muna dayan at magluluto muna ako ng hapunan natin tatawagin nalang kita pagkatapos kung magluto." Sabi ko sa kanya at pumunta akong kusina at nilabas yung mga ipinamili namin at nilagay sa mga cabinet na nandun.

Milaine Yazza Fuebaz ang totoong pangalan ni Miya magkaibigan na kami simula paghigh school hanggang makapagtapos kami ng pag-aaral sa kolehiyo sa parehong korso at nakahanap ng matinong trabaho.
Dahil nga magkaibigan kami ay napagdisyisyonan naming maghanap ng malapit na apartment sa aming trabaho. Nag tratrabaho kami sa isang fashion company.

(...)

Pagkatapos kong magluto ng adobo at nakapagsaing ng kanin ay tinawag ko si Miya.
Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta si Miya na sya ang maghuhugas ng ipagkainan namin dahil ako raw ang nagluto kaya hinayaan ko sya at pumunta akong sala at in- open ang TV at nanood ng balita.

"Kasalukuyang nandito kami ngayon sa harap ng Isa sa mga sikat na hotel sa ating bansa ang Hotel Dunvas. Kung saan ang labi ng may-ari ng hotel na ito ay nakaburol maraming kamag anak ang dumalo. Ang kanyang asawa na si Mrs.Komilair Dunvas ay hindi parin makapaniwala na wala na ang kanyang asawa dahil malakas panaman daw ito nung nakaraan. Sa ngayon ay hinihintay nalamang ng mga ito ang pagdating ng nag-iisang anak at tagapagmana ng mag-asawang Dunvas ang pagbalik ng kanilang anak na si Derik Mion Dunvas.
Ako po si Ana Hidor nagbabalita"

Yun ung sinabi ni Miya kanina.

"Ky!" sigaw ni Miya

"Ky!" may isa pa

"Nandito ako!" sigaw ko din

Tumatakbo syang pumunta sa sala at biglang umupo sa tabi ko.

" Tara matulog na tayo" parang tangang sani nya

"Oo, nga pala" at bigla sya tumayo at naglakad papuntang kwarto nya at sumigaw ng

"GOODNIGHT"

Umiling nalang ako sa inakto ng kaibigan ko at itinuon ko nalang ang paningin ko sa tv.

Makalipas ang ilang minuto ay napagdisyisyonan ko nading patayin ang tv dahil parang halos lahat ng laman ng balita ay ang pagkamatay ng may ari ng Hotel Dunvas at kung kailan darating ung tagapagmana nilang anak.

Pagkatapos kung patayin ung tv ay dumaritsyo na ako sa kwarto ko na katapat lang ng kwarto ni Miya.

Habang nakahiga ako sa kama ay diko namalayan na iniisip ko pala ung lalaking tagapagmana ng Hotel Dunvas na diko naman kilala at di ko kaano ano. Pero may isang pitik na ng gagaling sa puso ko na kailangan ko syang makita at kilalanin pero diko naman sya kilala...

Sino ka ba? Derik Mion Dunvas?

✨🦋
Yayyy

That GuyWhere stories live. Discover now