PROLOGUE

1 0 0
                                    

"Ma'am may appointment po kayo ngayong araw dahil personal pong pumunta dito ang may ari ng Gonzales Airport" bungad agad ni Celine pagkarating niya sa Opisina

"Huh? May ari mismo ng Gonzales Airport anong raw ang kailangan niya?" naguguluhang tanong ko

"Yes po ma'am ang sabi niya ho ay gusto ka niyang makausap ng personal kaya siya na ho mismo ang pumunta dito" nakangiting sagot niya "naroon na po siya sa Client Office" dagdag niya pa

Ang Client Office na tinutukoy niya ay ang Opisinang Pang kliyente lamang dahil ayokong nag papapasok sa opisina ko ng kahit na sinong tao maliban sa mga taong kilala ko

"Mukhang wala na nga kong magagawa kase andyan na siya sige pasabi papunta na ko" naguguluhan pa ring tanong ko

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang papalapit ako sa CO siguro ay naguguluhan ako dahil mismong May ari ng Gonzales Airport ang pumunta dito at isa pa hindi ko siya kilala dahil kahit sikat ang Airport na ito ay hindi niya pinapakita ang kanyang itsura sa mga tao kaya mas lalo akong naguluhan.

Sa tingin ko ay panot, kulubot kulubot ang balat at may katandaan na ang itsura nito kaya hindi ito nag papakita hahahaha natawa ako sa aking naisip. Pagkabukas ko ng pinto sumalubong sakin si Celine.

"Ma'am siya ho ang may ari ng Gonzales Airport" bulong ni Celine.

"Sige na ako ng bahala dito at kunin mo na ang mga pinapermahan kong papeles kay Mr.Vintura" mahinang bulong ko

"Good luck ma'am" at saka umalis.

Bago ako lumapit sa couch kung saan naka upo ang may ari ng ng Gonzales Airport ay pinagmasdan ko muna ito.

Hmm nagkamali ako sa naisip ko kanina dahil kung titingnan mong maigi kahit nakatalikod ay masasabi kong gwapo ito.

"Ano ba itong mga naiisip ko basta lalaki kahit nakatalikod nasasabi kong gwapo" bulong ko

Tuluyan na akong lumapit sa lalaking naka upo sa may couch.

"My Name is Zaira Yssabel Fernandez and im the wedding designer of this shop, how may i help you Sir" kinakabahan ngunit propesyunal na pagpapakilala ko

"And im Calvin kearl Gonzales the owner of Gonzales Airport please to meet you Ms.Zai

Hindi ako pwedeng magkamali kilalang kilala ko ang boses na yun lalong tumigil yung paghinga ko nung mismong humarap siya sakin saka ngumiti. Hindi ko alam kung tatakbo ba ko  matatakot mahihimatay gulong gulo pero isa lang ang emosyong alam kong totoo yun ay ang pagkagalit. Pagkagalit sa isang taong niloko at pinaniwala ako sa isang kasinungalingan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sana ako nalang Where stories live. Discover now