13

37.7K 1.1K 485
                                    

AGNELLA TELESE


Hindi na kami nagtagal sa ilog. Nagkayayaan na rin kaming umuwi pagsapit ng 5 p.m. Tulad nung una, sa motorbike ni Kylier ako umangkas. Ayaw pa nga sanang umuwi ni Renesmee, mabuti na lang ay napilit siya ng kuya niya.

Ligtas kaming nakauwi bago pa kami abutan ng dilim sa daan pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang may pamilyar akong natatanaw sa labas ng gate nina Lola Sheila.

Nakatayo siya at mukhang may hinihintay. Nakauwi na pala siya. Nagwawala na naman tuloy ang puso ko. Kinakabahan ako at hindi ko dapat maramdaman 'to.

Nagsihintuan ang mga motor nina Kuya Bryant sa tapat ng bahay nila. Bumaba agad sina Carina at nauna na rin silang pumasok sa loob. For sure ay pagod na pagod sila dahil maghapon silang naligo sa ilog.

Agad rin akong bumaba nang huminto ang motorbike ni Kylier sa tapat mismo ni Ales. Siya ang nakatayo sa labas ng gate. Nakakunot pa ang noo niya pero hindi ko siya pinansin o tiningnan man lang.

Tinanggal ko rin ang suot kong helmet at nakangiti akong humarap kay Kylier. Tumingin pa siya saglit kay Ales bago niya ako binalingan ng tingin.

"Salamat, Kylier. See you tomorrow na lang," nakangiti kong pasasalamat.

"Walang problema, basta ikaw."

Nginitian lang din niya ako kaya nasilayan ko ang malalim niyang dimples.

"About pala sa sinabi ko sa 'yo kanina," dugtong niya pa.

Naalala ko 'yung mga sinabi niya sa akin kanina. Inamin niyang may gusto siya sa akin at gusto niya akong ligawan.

Napaisip pa ako nung una dahil hindi ko alam kung dapat ko ba siyang bigyan ng pagkakataon na ligawan ako. Napaka-komplikado pa ng mga nangyayari sa buhay ko. At isa pa, hindi ko alam kung deserving ba ako sa kanya.

Gusto ko rin namang pumasok sa isang seryosong relasyon. Si Kylier ang tipo ng lalaki na marunong magseryoso at dapat seryosohin. Pero naguguluhan ako sa nararamdaman kong ito. Nagtatalo rin ang isip at puso ko. Kung tutuusin, boyfriend material na si Kylier para sa akin.

Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. Buti na lang ay pumasok na sina Renesmee sa loob ng bahay nina Kuya Bryant dahil tiyak na aasarin na naman nila kami.

"I'm serious, Agnella. Just let me show you how much I love you. Hindi mo kailangan na sagutin agad ako. Willing akong maghintay. Hindi rin naman kita kailangang pilitin na magkagusto sa akin, basta hayaan mo lang ako na ligawan kita para maipakita ko sa 'yo kung gaano ako seryoso sa nararamdaman ko para sa iyo," mahaba ngunit seryoso niyang sabi.

"Agnella, pumasok ka na sa loob."

Hindi ko pinansin si Ales na nagsalita. Ngumiti lang ako kay Kylier at saka ako marahang tumango sa kanya dahilan para umaliwalas ang kanyang mukha.

"I'm willing to give you a chance kahit na hindi ako ang tipo ng babae na deserve para sa 'yo," sagot ko.

Tama lang naman siguro ang desisyon ko. Ayokong paasahin si Kylier pero hindi ko kayang pigilan ang puso ko na pagbigyan siya. Kylier was a good man. Sobrang bait niya talaga. Hindi ako madamot, kaya pinagbigyan ko siya sa kahilingan niya.

Chance lang naman ang gusto niya. Chance na iparamdam at patunayan ang nararamdaman niya para sa akin.

"Hindi ka magsisisi sa desisyon mo." Nasa tinig niya ang saya na ikinangiti ko ng matamis.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Where stories live. Discover now