Tungkol Sa Libro

317 2 0
                                    

Ang Noli Me Tangere ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa wikang Inges ay Touch Me Not o Huwag Mo Akong Salingin sa Filipino. Ito ay hango sa Ebanghelyo ni Juan at isinulat ni Dr. Jose P. Rizal noong 1884 sa Madrid habang siya ay nag-aaral ng Medisina.

Nang makatapos ng pag-aaral ay nagtungo sa Paris si Rizal at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat ng Noli Me Tangere. Sa Berlin na niya natapos ang huling bahagi ng nobela.

Ilan sa mga kilalang tauhan ay sina Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiyago, Tinyente Guevarra, Padre Damaso, Sisa, Basilio at Crispin, Maria Clara at marami pang iba.


Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon