Bilang 44 - Unang Pagkikita

7 2 0
                                    

UNANG PAGKIKITA

’Nong sinimulan 'mong kumaway,
Hanggang sa nagtagpo ang ating mga kamay,
Lumiwanag bigla ang malungkot kong awra,
At napatalon mo ang puso ko ng sobra.

Ito ang una nating pagkikita,
At hindi ko mapigilan ang pagkatuwa,
Dahil ang taong sa telepono ko lang nasisilayan,
Ay kaharap ko na sa personal ng tuluyan.

Wala akong maibatong topiko,
Hanggang sa narating ako sa 'kung ano ang sinakyan mo?'
At doon narinig ko ang iyong pagsambit,
At sa boses mo ako'y mas lalong na akit.

Unang rinig,
Sabay katawan ay nanginig.
Hindi ko mapigilang matuwa.
Hindi ko mapigilang maluha.

Sa ligayang nakita na kita,
Sa boses na sa tainga ko humahalina,
Sa sayang nasa tabi ko lang ikaw,
Sa sayang ayoko nang bumitaw.

Gustong gusto kitang yakapin,
Ngunit nanaig ang hiyang isipin,
Na baka magulat ka sa kinikilos ko,
Na baka mailang ka sa gagawin ko.

Kaya sa pag-uusap na lang dinaan ang lahat,
Dahil ang masilayan ka't marinig ang boses mo ay sapat,
Sobrang sapat at nagpapasalamat na nakita na kita,
Na nakasama sa buong araw na puno ng saya.

Sabik ako sa muling pagkikita natin,
Sabik na sabik akong makasama ka sa uulitin,
Dahil gusto kong maranasan muli ang kakaibang saya,
Sayang nararamdaman ko kapag kasama kita.

_


1/13/21 10:23AM

Nepenthe's || A Poetry Anthology حيث تعيش القصص. اكتشف الآن