Remember

10 6 2
                                    

"Mom, can a fairy love a human?"

Dalawampu't limang taon na ang nakalilipas nang huling marinig ng maliliit at matutulis kong tainga ang tanong na ito.

"Mom, can a fairy love a human?" napahinto ako sa aking ginagawa nang marinig ang isang maliit ngunit malambing na boses.

"Aming mga bulaklak, narinig niyo ba ang boses na 'yon?  Kung inyong mamarapatin, maaari bang iwan ko muna kayo? Huwag kayong mag-alala, tatapusin ko ang aking trabaho. Sandali lamang ako"

"Kung 'yan ang nais ng aming Aleion. Ngunit, mag-iingat ka. Baka makita ka ng mga tao, o kaya'y baka madagit ka ng mga malalaking ibon"

"Huwag kayong mag-alala, hindi ba't hindi naman kami nakikita ng mga tao? Tanging mga hayop at kayo lamang ang nakakakita sa mga tulad namin"

"Basta't mag-iingat ka pa rin, aming Aleion" muling pagpapaalala nila sa akin at saka sabay-sabay na yumuko.

Mabilis kong ibinuka ang aking maliliit at kumikinang na mga pakpak. Lumipad ako sa ere at tinungo ang malapit na puno. Huminto ako sa maliit na sanga nito at agad na hinanap ang may-ari ng narinig kong boses.

Agad na natagpuan ng aking mga mata si Lola Aurora, ang matandang babae na nag-aalaga at nagpoprotekta rin sa aming mga bulaklak, ang tinatawag nilang, Forget Me Not.

May kasama itong dalawang tao, ang isa ay ang kaniyang anak ngunit ang isa ay hindi ko kilala. Isa itong maliit na bata na ngayon ko pa lamang nasisilayan.

Naglalakad sila papasok sa maliit na daan, ang daan papasok ng gubat.

Mula sa aking kinalalagyan, muli akong lumipad papaalis. Lumipat ako sa kabilang puno nang sa gayon ay mas makita ko pa sila.

"Sorry baby, hindi alam ni mommy eh. Maybe yes? Maybe no? Oh! I don't really know!" napahawak na sa ulong sagot ng anak ni Lola Aurora, na mahina kong ikinatawa.

Mas mahirap pa iyan sa iyong exam noong nag-aaral ka pa, Aurelia.

RememberWhere stories live. Discover now