"Kaibigan"

2 0 0
                                    

Una kitang nakita sa kaarawan nang kaibigan ko,
Hindi mo pa ako kilala,
hindi pa din kita kilala,
Pero alam ko yung mukha mo,

Hindi ko lang alam pangalan mo,
Hindi ko alam kong ano ang maging epekto noong dumating ka sa buhay ko,
Pero ang alam ko masaya ako,
Kapag ikaw yung kausap ko kahit malayo ka sa piling ko,

Hindi nagtagal nakilala kita,
Ikaw pala yung ka Mu nang kaklse ko,
Kaya dali-dali akong nagtanong sayo,
Ano ba ang dahilan kong bakit hindi naging kayo,

Sabi mo may mahal na pala siyang iba,
Kaya hindi na ako nagtanong pa,
Baka masaktan ka lang sa mga tanong ko,
Kaya umiwas na ako mag-usisa pa,

Lumipas ang araw,linggo,at buwan,
Tayong dalawa ay palaging masaya,
Akala ko walang magbabago,
Pero darating din pala sa punto ikay nagbago,

Hindi ko alam ang dahilan nang bilang mong pagbago,
Hindi ko alam kong may nagawa ba ako?
Pero ito yung sagot mo hindi mo kaya maging kaibigan ako,
Bilang gumuho yung mundo ko,

Akala ko ok na,
Na pwde na kitang maging kaibigan,
Pero ito yung nakuha kong  sagot mo mula sayo,
Mahal mo na yata ako,

Ano? naguguluhan kong pahayag sayo,
bakit ako pa eh wala nang especial sa akin diba?
Tanong na gumulo sa isip ko,
Bakit ako pa eh marami na man iba dyan,

Pagsasabi ko pa sayo,
Bakit ako pa?
Yung minahal mo,
kahit alam mo kaibigan lang turing ko sayo,

Bakit ako pa?
kahit alam mo masasaktan ka lang sa piling ko,
Lumipas ang araw,linggo na hindi kita kinausap,
Mga araw na pinagisipan ko kong bakit ako,

Mga araw na kahit anong gawin ko,
kaibigan parin ang turing ko sayo

-LiesOfRoses

Random Poems Of MineWhere stories live. Discover now