Chapter 5

393 33 8
                                    

Jon Whiskey Mendez

    Still the same routine every morning. Gumising, kumain, maligo, magbihis, mag-ready at umalis. Nothing is new but I love my life. Masaya ako sa ginagawa ko.

Lumabas na ako ng bahay at kinandado ko yung pintuan bago lumabas sa gate at kinandado ko din. Agad naman akong napatingin sa mail box namin. Yung mail box kasi namin dito, hindi lang basta mail box. Malaki siyang box na kung saan pwedeng ilagay yung mga parcel na dapat idedeliver.

Hindi na ako nagdalawang isip na buksan yung box. Laking gulat ko nang makita yung bouquet ng pulang rosas sa loob. Agad ko naman kinuha. Medyo natuyo na yung ibang dahon at siguro kahapon pa 'to nandito. Naalala ko naman bigla yung sinabi ng taxi driver na ibibili niya nalang daw ako ng bago dahil tinapon niya yung flowers ko. Agad ko naman chineck yung card. May nakasulat pero walang nakalagay kung kanino galing. 'If I had a rose for every time I thought of you, I’d be picking roses for a lifetime.'

Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa nakasukat sa card. Ang cheesy naman! Pero sweet. Akala ko naman ay tapos na yung message, pero nung binaliktad ko yung card, may isa pang message. 'I'd rather having you as my everything than having luxurious house, car and a lot of money.'

This time, napangiti na talaga ako. Parang ang genuine nung message. Walang biro-biro. Totoo bang binigay 'to nung taxi driver? Anong trip niya?

Agad kong tinignan yung oras sa relo ko. Masyado pang maaga. Agad ko naman ulit binuksan yung gate at mabilis na pumasok sa loob ng bahay dala yung bulaklak. Ibinaba ko yung mga gamit ko sa sofa namin at mabilis akong pumunta sa kusina para kumuha ng flower base. Agad kong pinuno ng tubig at inilagay isa-isa yung mga rosas bago mabilis na dalhin paakyat sa kwarto ko. Maayos kong inilagay sa bed side table ko at yung letter naman, inipit ko sa paborito kong libro. Kinuhanan ko pa ng picture yung vase bago ako lumabas ng kwarto at muling bumaba. Aalis na ako. Ayoko na ulit mamuntikang malate.


    NANDITO na ako sa tren at nakasakay na. Palinga-linga naman ako sa paligid. Kahit hindi ko aminin, hinahanap ko si Andruiz. Gusto kong tanungin kung saan niya binili yung pinakain niya saakin kahapon. Hindi naman naiiba yon sa mga kinakain ko. Kahit naman anong kainin ko, walang lasa. Pero may kakaiba lang talaga sa pinakain niya saakin. Parang may iba na pipilitin kong ubusin at parang may nalalasahan ako. Bago siya saakin kaya gusto ko ulit matikman.

Napasandal nalang ako sa upuan nang hindi ko makita si Andruiz. Sabagay, hindi ko naman talaga kaibigan yon. Nakilala ko lang naman siya sa tren. Malabo na ulit kaming magkita. Pero isa pa, ganon din yung nalasahan ko sa mga binigay niyang pagkain. Yung sandwich at juice. Hindi ko alam. Nakakapanibago.

"Hay nako, Andruiz." Bulong ko sabay hingang malalim. Ginugulo na naman niya yung utak ko.


    LUMIPAS yung kalahati ng araw ko na walang bago. Ganon pa din yung routine. Paulit-ulit. Live shooting, paper works at kung ano-ano pa.

"Lunch time everyone!" Sigaw ni direk na tinanguan nalang namin lahat.

"Jon? Sasabay ka ba?" Pasigaw naman na tanong saakin ni ate Jebel kasama niya sila ate Joan.

Umiling naman agad ako. "Ayos lang ako ate! May baon ako!" Nakangiti kong balik sakanya.

Hindi naman na nagtanong si ate Jebel. Lumabas na sila ng office at naiwan akong mag-isa dito. Ang totoo, wala talaga akong baon dahil hindi ako nagbaon. Gustong-gusto ko kasi talaga makita si Andruiz tapos tanungin siya kung saan bumili ng pagkain para makabili din ako. Kaya nga maaga ako eh! Kaso hindi naman siya nagpakita ngayon. Napabuga nalang ako ng hangin bago mabilis na dumukdok sa mesa ko. Ilang minuto akong nakapikit nang biglang tumunog yung telepono ko dito sa desk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐇𝐢𝐬 𝐌𝐚𝐥𝐞𝐯𝐨𝐥𝐞𝐧𝐭 𝐖𝐚𝐲Where stories live. Discover now