Bilang 45 - Kubli

6 2 0
                                    

KUBLI

Tila pagong na naka-kubli,
Sa kanyang bahay nananatili,
Nais na mapag-isa,
Sinasarili ang lungkot na nadarama.

Pinangungunahan ng takot,
Takot na sa katawan ay nanunuot,
Takot na baka masabihan,
Takot na baka muling mahusgahan.

Kaya mananatiling naka-kubli,
Nang hindi na muli,
Hindi na muling matapunan,
Hindi na muling madapuan.

Nang mga masasakit na salita,
Nang masasakit na mga talata,
Kagaya ng "bakit ka ganyan?"
Na "bakit iba ang iyong nararamdaman?"

Mga bakit na ayoko nang marinig,
Mga bakit na hindi ko gustong ilabas ng kanilang mga bibig,
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko,
Dahil hindi ko rin batid ang tunay kong pagkatao.

Hindi ko ginustong maging ganito,
Tahimik, mahiyain, matatatakutin ay hindi ko tipo,
Hindi ko kasalanang iba ang aking pagkatao,
Hindi ko ginustong maging iba ako sa inyo.

Kaya nais ko na lamang na mag-kubli,
Dahil hindi na mababago pa'ng muli,
Hindi niyo maiintindihan,
Kung ano ang totoo kong nararamdaman.

Kung ano ang totoong dahilan,
Kung bakit may ganito akong pakiramdam,
Kaya pipilitin ko na lamang na mag-kubli,
Hanggang sa muli.

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now