Bilang 46 - Pangarap

5 2 0
                                    

PANGARAP

Inihanda ang sarili,
Napabuntong hininga ng maigi,
Inipon ang mga sakit,
Buong loob na pumikit.

Tumakbo, pabilis ng pabilis,
Lumugay lugay ang gawa gawang bagwis.
Naramdaman ang lamig ng hangin,
Napapikit ang mga mata ng taimtim.

Tinalon ang pangarap,
Kasing taas man ng bundok ang ulap,
Isinayaw ng hangin ang bagwis sa pagbagsak,
Gumuhit ang ngiting sinabayan ng luhang pumapatak.

Malayang ibinuka ang gawang pakpak,
Ang sayang nararamdaman ay humahalimuyak,
Maligayang sa himpapawid sumasayaw,
Huli man itong sigaw.

Ang katuparang makalipad,
Naranasan ng malayang palad,
Alam 'mang kamatayan ang sasalubong,
Hindi ito matutumbasan ng ligayang umusbong.

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now