~~♡~Pangungulila~♡~~

143 5 2
                                    

.

.

Ang buhay ko'y sumaya sa inyong piling,

at ito'y umaapaw sa 'king damdamin.

Nagliliwanag itong aking pag-ibig,

tulad ng isang ilaw na nagniningning.

.

.

Ngayo'y ang layu-layo mo na sa akin,

tulad ng mga tala doon sa langit.

Maraming taon na kitang minimithi

ngunit ang damdamin ko lang 'to'y tinimpi.

.

.

Ilang taon tayong hindi nagkasama

ngunit pagmamahal ko'y hindi nawala.

Palaging hinihintay ang iyong tawag,

umaga man o hapon ko'y inaasam.

.

.

Sa 'yong presensya ako'y nangungulila.

O, aking Ama, ako'y nag-aalala.

Ang nakaraa'y pilit inaalala.

Damdamin kong 'to'y sobra'ng pangungulila.

.

.

.

PangungulilaWhere stories live. Discover now