Prologue

4 0 0
                                    

This is work fiction.
Names,characters,business,places, events and incedents are either the products of the author's imagination are used in fictitious living or dead, or actual is purely coincidental.

Do not distribute,publish, transmit, modify,display are create derivative works from or exploit the contents of this story in anyway.

Please obtain permission.

ANG SIMULA

First Person's POV

FLASHBACK•

"Anak!sigurado ka na ba sa gagawin mo?"tanong ng kanyang Ina

Marahan ang ginawang pagluhod ng anak sa harap ng kanyang ina.Nagulat ang Ina nito sa ginawa ng anak pero nanatili ito sa posisyon.

Unti-unting iniangat ng babae ang kanyang ulo at direstong tiningnan ang mata ng kanyang Ina.May namuong luha sa mata ng babae at hindi nagtagal ito'y unti unting tumulo.

"Ma!sorry,kung gagawin ko ito.Hindi ko kayang lumaki ang anak ko na wala sa piling niya, pero aalis lang ako para matutunan kong itama ang pagkakamali ko"usal niya, bahid sa kanyang boses ang hirap kung sabay na iiyak at magsasalita

Marahan niyang inilalayan na makatayo ang anak sa pagkakaluhod at niyakap

"Anak,pasensya ka na"hinagod niya ang likod nito at ramdam kung gaano kabigat ang pakiramdam na iwan ang anak"Kung hindi ako naging mabuting Ina sa iyo,alam kong darating ang panahon matatanggap mo siya ng buo,hiling ko lang na bumalik kang muli at kilalanin ang iyong anak".Mas naging maingay ang pag-iyak niya sa sinabi ng Ina"Mahal na Mahal Kita anak,tandaan mong huwag kalimutan ang iyong anak" dagdag ng kanyang Ina

Kumalas siya sa pagkakayakap at nilapitan ang anak na mahimbing na natutulog sa kama.

Hinalikan niya ang noo nito at hinawakan ang magkabilang kamay,hinalikan niya rin ang mga kamay nito tanda nang pagmamahal ng isang namaalam na Ina.

"Anak,aalis muna si Mommy ha"muling namuo ang mga luha sa mata at hindi na napigilan ang sarili na umiyak sa harap Ng anak"Tandaan mo na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko,mahal na mahal kita at pangako ko na babalikan kita,sana balang araw matanggap mo ako at maging parte nang buhay mo"hinaplos niya ang pisngi ng anak at pinakatitigan

Sa mga huling sandali na natitira sinulit niya nang titigan ang anak.
marahan siyang tumayo at inayos ang mga gamit.Nakaabang ang kanyang pamilya sa labas ng bahay.

Muli niyang tiningnan ang anak at nilisan ang silid.Nang makalabas na siya niyakap siya ng kanyang mga magulang at maging ang kanyang kapatid.

Huminga siya nang malalim at kumalas sa pagkakayakap,nilibot niya ang kanyang paningin sa lugar na kanyang lilisanin at tiyak na mamimiss niya ito sa matagal na panahon.

Hinatid ng ama ang anak hanggang sa labas ng tahanan,kung saan nakaabang ang sasakyan na gagamitin.

Sumakay na ito ngunit muling sumilip para sa huling paalam"Mahal ko Kayo!kayo na ang bahala sa anak ko"paalam niya sa kanyang pamilya

Kinawayan niya ito hanggang sa makalayo

20 yrs. Later

"Happy birthday to you,happy birthday to you ,happy birthday,happy birthday...happy birthday to you!

"Happy Birthday Mercedes"sabay sabay nilang bati

"Anong wish mo?"tanong ng kaibigan nito

Tiningnan niya ang kanyang Nanay at Tatay maging ang lahat ng kanyang bisita bago pumikit at humiling sa kandila

"Wish ko na sana,makapagtapos ako ng pag-aaral,at maging Flight Attendant ako para mahanap ko ang mga parents ko yun lang"hinipan niya ang kandila at masayang tiningnan ang kanyang pamilya

"Ayyyy! nakakatouch naman,oh siya tama na ang drama,dahil kainan na!"masayang giit Ng kanyang Tita Marian

Masaya nilang pinagsaluhan ang simpleng handaan at para kay Mercedes isa ito sa pinakamagandang nangyari na hinding hindi niya makalimutan sa kanyang buhay na kahit may kulang naging masaya parin siya dahil nandiyan ang mga taong nagmamahal sa kanya

•END OF FLASHBACK•

Lumaki si Mercy sa probinsya ng Soccoro,Mindoro Oriental kasama ang mga taong nagpalaki sa kanya.

Bata pa lang si Mercy nangarap na siyang maging isang Flight Attendant kaya pinagbuti niya ang kanyang
pag-aaral upang matupad Ito.

Maraming tao na rin ang nangarap tulad ni Mercy nang dahil sa hirap buhay hindi nila ito natupad,maging ang sinasabi nang ibang tao ay naging epekto nang kanilang pagsuko.

Bakit nga ba napakadamot nang tadhana?Sigurado ka bang tandahana ang gumagawa nito?o sadyang malas ka lang talaga

Hindi natin maiiwasan ang mapaisip ng mga bagay na negatibo.Hindi lahat ng bagay na nais ng isang tao maaring mangyari,mayroon ding mga pangyayari na ayaw man natin kailangan nating harapin at malagpasan.

Pagdating nang panahon doon pa lang natin masasabi na naging matagumpay tayo sa hamon ng buhay.

Matapang si Mercy tulad ng kanyang Ina,ngunit may kahinaan siya pagdating sa pamilya.

Minsan na ring sumuko si Mercy pero hindi siya nawalan nang pag asang lumaban,dahil alam niyang hanggat may bukas ay may pag asa.

************************************
Author's Note:

Mga sis and kuys, I want to say Thank You for reading and appreciate.
Sorry for my wrong grammar's and correct me if I'm wrong.

Lab lot's and don't forget to vote

I'm Your Province Girl(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon