Chapter Three: Harsh and Unsympathetic

1.8K 112 15
                                    

January 2018

Orchard Road, Singapore

Mula sa mahimbing at hindi niya alam kung gaano katagal na pagtulog, nagising ang diwa ni Minah nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.

"Mommy..."

Ilang beses na nga ba niyang narinig ang maliit na boses na iyon? May ibang tao ba sa paligid bukod sa kanya?

Minah wanted to open her eyes to check who it was and where she was but she could not seem to pry her eyes open. She could hear the sound of the heart rate monitor, ang mga palapit na yabag at mga tinig na hindi niya maintindihan. May palagay siya na ilang metro lang ang layo ng mga iyon mula sa kinahihigaan niya.

She tried to open her mouth to speak and let whoever was around her know she was awake but she was too weak she could not even manage a grunt.

"Mommy..." tawag uli ng boses ng bata. The voice once again seemed to be so close to her.

Siya ba ang tinatawag nitong "Mommy"? Imposible. She was just eighteen at wala siyang boyfriend. Never been kissed. Never been touched. In fact, muntik na nga siyang matusta nang virgin pa. Pero nasaan ba ang pabayang ina ng bata at bakit nito hinahayaang pagala-gala lang ang anak?

"Any progress?" a deep manly voice suddenly asked. There was something in that intimidating voice that made her want to open her eyes pero ni ungol ay hindi niya pa rin mailabas.

"Thankfully, she's showing signs of recovery. The nurse saw her move her finger two days ago," a soft, womanly voice replied.

Finally, Minah managed to half open her eyes. Sinalubong siya ng liwanag. Puti ang pintura ng dingding ng maliit na silid. Nanlalabo ang paningin niya pero alam niyang nasa loob siya ng kuwarto ng isang ospital.

Nakita niyang nilingon siya ng isang lalaki, tumitig sa kanya, bago ito humakbang palapit. Kung pagbabasehan ang mabigat nitong hakbang, sigurado siya na malaki itong lalaki. May ilang segundo itong tumitig sa kanya bago nagbuka ng bibig para magsalita.

"Your patient just woke up," the man said. His mouth was set in a grim line while staring at her.

Dahan-dahan, kusa uling pumikit ang mga mata niya. Mabilis siyang hinatak ng antok kahit pinipigilan niya sana...

Suminghap si Minah. Sinalubong siya ng nakakasilaw na liwanag kagaya ng unang beses niyang pagdilat. It took her a few seconds bago nagawang mag-adjust ng kanyang paningin sa liwanag.

Iginala niya ang tingin. Tahimik ang buong paligid. She was no longer in a hospital room kagaya ng kanyang inaasahan. Sa halip na hospital gown, pares ng pink na pajamas ang suot niya.

Pink? She never liked pink. Malaki at pambabae ang kuwartong kinaroroonan niya.

Hirap at halos hindi niya maibangon ang sarili mula sa pagkakahiga. Pero pagkatapos makaipon ng sapat na lakas, sa wakas ay nagawa niyang maupo sa kama.

Nanunuyo ang kanyang lalamunan. Bumaba ang tingin niya sa kamay nang madaanan ng kanyang mga mata ang pole kung saan nakasabit ang IV fluid. Wala siya sa ospital pero naka-dextrose siya. She tried recollecting her memories. Nasaan siya?

Kinakabahan si Minah. Si Leigh, si Diana, what happened to them? Nasaan sila? Nanghihina, tinanggal niya ang dextrose sa kanyang kamay. Napangiwi siya nang bahagya nang maramdamang kumirot ang ugat na sinaksakan ng dextrose needle.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama. Nabigla siya nang hindi pa man niya naididiin masyado ang mga paa, bumagsak na siya sa marmol na sahig. Namilog ang mga mata niya. Damn, was she disabled? Napuruhan ba ang mga paa niya nang tumilapon siya dahil sa pagsabog?

Fragments of Memories 3: Thorns and Horns (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon