Bilang 49 - Hindi Na Maayos Ang Lahat

6 0 0
                                    

HINDI NA MAAYOS ANG LAHAT

Hanggang saan ang iyong kaya?
Hanggang kailan ka diyan titira?
Kaya mo pa bang tumayo?
Handang handa ka nang maglaho

Bakit pilit mong kinikimkim
Mga iyak na taimtim
Nababalot ng karimlan
Sarili ay napapabayaan

Alam kong hindi na maayos ang lahat
Subukan mong sabihin kung gaano kabigat
Mahirap pasanin ang malaking bato ng mag-isa
Magbukas ka aalalayan kita

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now