Prologue

26 1 0
                                    

Prologue



Nagyaya ng inuman sila Kyler at dahil dakilang workaholic si Klarissa ay kinailangan kong pumuntang mag-isa sa bar ni Calix na usually bihira naming tambayan dahil ang siraulo ang mahal maningil saamin. Ewan ko ba parang hindi bestfriend, bussiness is business daw.



Pinark ko ang kotse ko sa tabi ng kotse ni  Kyler.  I saw from outside my car that Kyler came out from her car wearing a knee-length black sleeveless dress. Next to her is Lyra who is also wearing a knee-length fit white backless dress which shows the perfect shape of her body. 



Tumunog ang cellphone ko at lumabas doon ang pangalan ni Kyler kaya alam kong nagtataka na ito bakit hindi pa ako nalalabas.



Tinanggal ko na ang seatbelt ko at binuksan ang kotse ko. I am wearing a black skirt with sleeveless black top. Sinalubong ako ng mga taray ni Kyler kaya tinarayan ko siya pabalik.



" Tagal mo naman lumabas Farrah, tsaka asan na naman si Issa? " nagtatakang tanong nito habang nililingon ang likod ko.



" Work. " Kibit-balikat kong sagot, napasimangot naman sila.



" Ano bang bago? " Napapailing na sagot ni Lyra.




" Tara na, nandyan na ba daw sila Calix? " tanong ko sa mga ito at nagsimula ng maglakad papasok ng bar dahil kilala na naman kami ay in-assist na agad kami sa table namin. Pagkarating namin doon ay naroon na sila Logan at Calix na busy sa pagtagay.



" Wag niyo sabihing lasing na kayo? " Nakataas kilay kong tanong.




" Oh asan si Issa? " Tinarayan ko na lang si Calix dahil sa tanong nito. Mukhang na-gets niya naman agad at binigyan na kami ng space para umupo.



" Anong trip mo Kyler at nagyaya ka ng inuman? " Tanong ko dito.



" To find boys? Duh ang boring kaya ng buhay ko. " Natatawang sagot nito at ininom ang alak na hawak niya.




" Eto oh si Logan, free. " Natatawang suhestisyon naman ni Calix kaya pinakyuhan naman siya ni Kyler.



" I'm done with cheaters. " Wika nito kaya nagkatinginan naman kaming tatlo nila Lyra at Calix.



" Oh, walang balikan ng past. Inuman lang walang iyakan. " Pagpigil ko dito, mukhang nainis si Logan kaya umalis at tumayo.



" Gago ka talaga Kyler. " Napapailing kong wika.

" Wow affected pa rin pala siya. " Natatawang wika nito at muling tinungga ang alak na hawak niya. Kinuha ko na rin ang inabot na alak nito ay sabay-sabay kaming tumagay.



Napalingon kami nung bumalik na si Logan mukhang naghilamos lang para mahimasmasan. Inofferan agad namin siya ng alak at sinabihang easyhan niya lang.



" Tama ako, dito ko kayo makita! " Napaangat ang tingin ko ng makarinig ako ng pamilyar na boses. I know I'm not drunk or daydreaming. I'm sure he's really in front of me. It's him. I felt everything stop and they disappeared momentarily. The sound, the people around.  Everything disappeared and my heartbeat was the only sound I heard and he was the only person I could see.




Bumalik ako sa realidad noong marinig kong sumigaw si Logan.



" Woah! Jax???! Nakabalik ka na pala pre! "



Hindi makapaniwalang sambit ni Logan at nilapitan ito.



" Gagi kailan pa? Hindi mo kami tinawagan para salubungin ka, you love suprises huh. " pabirong wika naman ni Calix dito. Tumawa naman ito.



It's the same smile, the same smile which is the reason I fell for him. F*ck it's been two years since I last saw him but I still feel the same feeling every time I see him.



" Wow, mas lalo kang pumogi Jax. " Wika ni Lyra na nasa kanan ko. Si Kyler naman na nasa kaliwa ko ay natawa bigla kaya hindi namin maiwasang mapalingon dito.



" Woah, akala ko ba walang balikan ng past!  Hindi naman ako na-inform na babalik din past mo Farrah. " Tawang-tawang wika ni Kyler, napapikit na lang ako at pinalakihan ito ng mata. Nag-peace sign naman siya saakin at bumalik sa pag-inom.



Kahit kailan talaga 'to si Kyler, ang lakas mag-aya ng inom ang baba naman ng alcohol tolerance.


Wala akong nagawa kundi mapikit sa inis. Ngayon I have to face him, my plan is to just pretend I’m not here but because of this crazy drunk woman next to me, wala akong magagawa kundi harapin ito.



Nilingon ko ito at natigilan ako ng makita kong nakatingin din ito saakin. Napakabilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.




" A-ah w-welcome back. " Sambit ko at pumalakpak. Niyaya ko namang silang pumalakpak, kahit nagtataka ay sumunod ang mga ito. Nakahinga ako ng maluwag nung niyaya na nila Calix itong umupo kaya naalis din ang tingin nito saakin.



" Welcome back amputa... " Tawang-tawang bulong ni Lyra.



" Tumigil ka dyan kung ayaw mong pasukan ko ng lamig yang likod mo. " Mariin kong pagbabanta dito.




" Cheers tayo! " Pagyaya saamin ni Calix at tinaas ang baso niya. Kinuha ko naman ang baso at sinunod ang gusto niya.



" Cheers for a years of friendship! Cheers for successful careers! Cheers for broken hearts—joke! Cheers for Jax! " Sigaw nito.



" Cheers! " Tugon naman nila.




" Wait!  Something caught my attention, did I saw it right? " Nagtataka sambit ni Lyra.



" Alin? " Nakakunot na noong tanong naman ni Logan.




" Yung singsing sa kamay ni Jax! " Sigaw nito, parang natigilan ako sa narinig ko.




" Ah eto ba? " He answered and he show us his left hand with a ring on his fourth finger.



" Pre, don't tell me— " Hindi na natapos ni Logan ang sasabihin niya nang sumagot ang nakangiting si Jax habang nakatingin sa kamay nito.




" I proposed to Dexie when we were in Paris. " Sagot nito.



Parang nabingi ako sa narinig ko. Once again I felt my heart broke into pieces. I know I shouldn't feel this way. Sa loob ng dalawang taon na wala siya, hinanda ko na ang sarili ko sa ganito, dahil alam ko ayon ang dapat mangyari, ayon ang tama. Alam kong wala akong tyansang baguhin ang nakatadhana.





Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko. Sinubukan ko magsalita pero para akong nawalan ng boses, nawalan ng lakas. Kahit si Kyler na medyo lasing ay tila na nahimasmasan sa narinig niya. Naramdaman ko ang paghawak nila Lyra sa kamay ko pero hindi yun naging sapat para maibsan lahat ng sakit na muling bumalot sa pagkatao ko.



Ako dapat yun, tayo dapat yun.
Pangarap natin yun e, bakit sa kaniya mo tinutupad? 



Where did we go wrong, Jax?
How did we end up like this?

Ex Series #2 : My Tears Say It AllWhere stories live. Discover now