Bilang 50 - Bituin

5 1 0
                                    

BITUIN

Sa gabing walang ilaw,
Kalangitan ay sumasayaw,
Nagniningning ang iyong liwanag,
Kislap mo'y lumalayag.

Isa kang tunay na marikit,
Kami ay iyong napapapikit,
Napapahiling,
Napapabulong sa iyo bituin.

Sa aming hinaing,
Ikaw ay aming kukulitin,
Iyo sanang tuparin,
Liwanag mo'y paglakbayin.

Sa gabing mapanglaw,
Umuusbong ang iyong ilaw,
Ngunit sa ganda mong tinataglay,
Ito'y nababahiran ng lumbay

Dahil ang halaga ng iyong kislap,
Naalala lang kapag walang enerhiyang lumalaganap,
Ika'y nakikita ng aming mga mata,
Kung wala na kaming tinututukang iba.

Kaya nagpapasalamat ka,
Sa tuwing nawawala ang enerhiya,
At maligaya kang nagniningning,
Alam mo kasing tititigan ka namin, mahal na bituin.

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now