PROLOGUE

10 2 0
                                    

--

There's this stupid guy na kinaiinisan ko talaga..yung tipong nasisira ang araw ko tuwing nakakaharap ko siya.

Kaya ngayon sira nanaman ang araw ko.

Bakit ba kasi lagi namin itong kasabay kumain,

Bakit nga ba?

Syempre,dahil kapatid siya ni Trenor na kabarkada ko.

Ngeta.Kung makakapatay lang ang french fries kanina ko pa itinarak sa mukha niya lahat ng kinakain kong ito.

Napabuntong hininga nalang ako bago itinuloy ang pagkain.

After a minute or two,medyo naasiwa ako kasi feeling ko may nakatingin sa akin o kung anuman yuon.

Pagkaangat ko ng aking tingin ay saktong nagtama ang aming paningin ni Trevor.

Bwiset ka talaga

And look at him now,may pangisi ngisi pang nalalaman suntukin kaya kita ng isa ng tigilan mo na ako

Hindi lang pala isa mga bente pwede na kaya?

Siguro.

Kakagat na sana ako sa aking burger nang mahuli ko nanaman siyang nakatingin sa akin.

Problema mo.

Gusto ko sana siyang tanungin pero hindi talaga kaya ng sikmura ko ang kausapin siya.

Kaya eto hanggang puna at mura nalang sa aking utak  ang nagagawa ko pati narin ang pagtaas ng aking kilay at pagikot ng aking mata.

Damn this guy kung anu ano ang ginagawa,bakit kasi kailangan pa akong tignan tapos ngingisi ng parang tanga, tapos tatawa.

Last time I check malinis naman ang mukha ko.

Naco-conscious tuloy ako.

Nang mapatingin ulit siya sa akin.Dito ko na nagawa ang dapat kanina ko pang ginawa.

"Anong kelangan mo?"mataray na tanong ko sa kanya

Agad nitong tinuro ang sarili."Are you by chance talking to me?"

Englishiero!

"Malamang,sino ba ang kanina pa tingin ng tingin sa akin,tapos ngingisi na parang tanga,inaasar mo ba ako?"

Mariin kong tanong sa kanya,bago ko ibaba ang kinakain ko na burger  na iisa palang ang kagat.

"Niaano po kita?"kunwaring naguguluhan na tanong niya.

Natawa naman ang mga kasama namin sa lamesa.

"Nititingin ka daw po" natatawang sabi ni Seb.

"Ni aasar mo daw siya palagi"sabat ni Caine,sabay tawa ng pigil, na nagpapula ng tenga at mukha niya.

Medyo maputi si Caine kaya ganoon,mukha siyang labanos na nagblush on.

Nagpipigil na din ng tawa ang dalawa pa naming kasama si Gian at Trenor na kapatid ni Trevor.

Hindi naman sila kambal pero,magkasunod lang talaga ang pangalan niya.

"Sige,pagtulungan nyo pa ako,mga balimbing kong barkada"tsaka ko tinignan si Trevor  na prenteng nakaupo at nakatingin sa akin "at isang kumag na mukhang naengkanto".

Ngayon nila pinakawalan ang kanina pa nilang pinipigil na pagtawa.Hindi manlang nila inalintana ang mga kasamahan naming mga estudyante na bumibili o kumain din.

Medyo nahiya ako,hindi para sa akin kung hindi sa mga kumag na ito.

Marahas kong kinuha ang aking gamit,iniwan ko silang tumatawa pa rin ng walang kupas,iniwan ko na narin ang burger at fries na kinakain ko kanina.

THE DAY I GAVE YOU MY HEARTWhere stories live. Discover now