PROLOGUE

3 1 0
                                    


PROLOGUE
(Past justify the means)

Madilim na ang kapaligiran at makinang na rin ang mga butuin sa kalangitan. Tanging huni na lang ng kuliglig ang maririnig at ilang mga sasakyang dumadaan.

Isang babae ang prenteng nakaupo sa isang sanga ng puno at nakatingin sa gusali na kaharap. Gamit ang walang buhay na mga mata, pinasadahan niya ng tingin ang gusali. Sinusuri at kinakabisado ito para sa misyong gagawin niya ngayong gabi.

'Limang minuto..'

Bulong niya sa sarili nang matapos tingnan ang pambisig na orasan. Sa limang minuto matatapos na ang misyong ilang linggo niyang pinaghandaan at pinagplanuhan. Sa limang minuto muli na namang madudungisan ng maruming dugo ang mga palad niya. Limang minuto. Limang minuto na lang.

Napabuntong hininga siya at muling pinag masdan ang gusali atsaka napailing.

'Ilang beses ba akong mag aalinlangan sa tuwing gagawin ko ito?'

Sabi niya sa sarili nang makaramdam ng pagaalinlangan.

Hindi ito ang unang beses na gagawin niya ito. Sa katunayan ay ito na ang pangalawa. Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan ay lagi siyang nakakaramdam ng pag-aalinlangan ilang minuto bago niya gawin ang misyon.

'Diba't handa naman at buo ang luob ko bago ko simulan ito? Eh ano 'tong pinag iisip ko?'

Bulong ng kabilang panig ng isip niya. Heto na naman at nagtatalo ang puso at isip niya sa gusto at kelangan niyang gawin. Napabuntong hininga na naman siya.

"Para 'to sa nanay mo. Tandaan mo." Sabi niya sa sarili upang tuldukan ang kaguluhan ng isip niya. At tumunging muli sa gusali na kaharap na walang emosyon ang mga mata. Buo ang luob at walang pag aalinlangang nararamdaman.

Nang makitang oras, ay isinuot niya ang maskarang itim na siyang natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha. At ikinasa ang malamig na baril na hawak niya.

"Oras na para maningil.."

Bulong niya na may ngisi sa mga labi at maliksing tumalon pababa sa puno na kinaroroonan.

Tahimik siyang lumapit sa entrada ng gusali na may iilang bantay na siyang napapalit tuwing ikalawang oras. Pano niya nalaman? Dahil sa isang buong araw niyang pagmamasid ay kabisado na niya maski kung ilang minuto nawawala ang mga bantay na ito. At kung tama ang kalkula niya sa oras, ay oras na para umalis ang mga bantay at may ilang minuto lamang siya upang makapasok sa gusali ng walang nakakapansin.

Walang pag dadalawang-isip na pinasok niya ang gusali at tinungo ang emergency staircase. Sa pag-iisip na mas safe dito kaysa sa gumamit ng elevator. May ilang palapag lang naman ang gusali kung kaya't hindi mahirap kung aakyatin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UnravelWhere stories live. Discover now