ONCE
Sabi nila nila once lang ang death
Ngunit bakit araw-araw akong namamatay sa sakit?
Takot akong masaktan
Ngunit bakit para akong magnet na kinakapitanNg dilim na pilit bumabalot
Pilit akong isinusuot
Sa madilim at malawak na espasyo
Walang hangganan kung makakaalis pa akoTakbo, tatakbo ako
Ngunit may paruruonan nga bang dulo?
May pinto ba akong mabubuksan
May liwanag pa ba akong masisilayanKadiliman
Hanggang kailan?
Matitiis pa bang masaktan?
Kaya pa bang manatili sa kamatayan?Gusto ko ng maging malaya
At masilayan ang sinag ng umaga
Ngunit hihilom pa ba ang sakit?
Dahil once na mamatay ka hindi na pwedeng bumalik
![](https://img.wattpad.com/cover/165550395-288-k656201.jpg)
YOU ARE READING
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology