ONE

3.1K 29 7
                                    

"BAGO ako bumalik sa Canada, Kailangang masiguro ko muna na naririto ang anak mo na kay Imee Javier, Kuya Hyun, " sabi ni dhez sa kuya at kaisa-isang kapatid niya na nkahiga sa kama.
Umiling ang singkwentay dos anyos na kapatid niya. "Hindi ko na Kailangan ,Dhez".
"No kuya, mas Kailangan mo siya ngayon sa kalagayan mo. Mas mabuting sarili mong dugo ang mag-aalga sau habang may sakit ka. Ano bang problema mo sa anak nyo ni Imee?"Unang-una, hindi ka man Lang ba naawa sa bata?. Last yearvpa patay si Imee. Sino na ang Guardian ni Rein doon? Pangalawa, kaya ka siguro pinaparusahan ng Diyos ay dahil sa pagtalikod mo noon kay Imee atvsa anak ninyo. Hayan at kong anu-anong sakit na ang dumapo sayo."
Hindi ito nkaimik
"I will go to Baguio tomorrow.Kailangang maiuwi ko na rito si Rein. Hindi rin naman ako matatahimik na ganito ang kalagayan mo ngayon. Gustuhin ko mang mamalagi dito para maalagaan ka, eh, Hindi naman pwede. Kailngan din ako ng mga anak ko.
Ilang sandali anf lumipas bago uli nagsalita ito. "Wala ka bang balita kong nasaan sina pauline at wendy? "
Nanulis ang mga nguso niya. "Tumigil na ako sa kahahanap sa kanila.! Wala akong planong galugarin anf buong Amerika para hanapin ang mag-ina mo, Kuya! Mahirap tlagang hanapin ang mga taong sadyang ngtatago diba.?
Lumungkot ang mukha nito.
"Bakit ba ayaw mo pang tantanan tang magaling mong asawa na hindi masukat ang kalandian. ?Hindi siya nakontento sa buhay dto sa hacienda dahil mahilig siya sa nightlife! At nang makatyempo at may nagkagustong mas batang Amerikano, hayun pinatulan na at iniwan ka. Hindi p nakontento itinakbo pati anak ninyo!"
"Gusto kong pumunta ng America pagkatapos ng eleksiyon. Maraming kaibigan si Imee sa Los Angeles. Baka alam nila kong nasaan ngayon ang mag-ina ko. "
"Are you serious?! Pupunta ka sa America ng ganyan ang kalagyan mo?. Gusto mo bang mamatay ng maaga kuya? "
"Mahal na mahal ko ang asawa ko, Dhez. At miss na mis ko na si wendy. Gods, it's been a year mula nang huli kong makita at makausap ang anak ko".
"Isa pa yang magaling mong anak, naiinis na sabi niya, sana namab ay gumawa siya ng paraan para ma-contact ka rin at kamustahin ka man lang. Pero hindi. Wla siyang pakialam sayo.
"Nakausap mo na ba si Bruce kanina? "Ang pag-iiba nito ng paksa. Ang tinutukoy nito ay ang campaign manager nito. Kandidato ito bilang alkalde ng bayan nila.

STILL LOVING YOUWhere stories live. Discover now