1st Mood Sampler [07.15]

12 0 0
                                    

Ika-labimlima ng Hulyo, alas-onse ng umaga. Mula sa bintana, matatanaw ang binatang mapayapang natutulog habang nasisinagan ng araw ang kaniyang mukhang singkinis ng kristal. Ang inosenteng itsura na kayang akitin ang karamihan.

Dahan-dahan siyang nagising habang pinapakiramdaman ang paligid. Mag-isa. Walang saysay ang buhay. Napag-isipan niyang simulan ang araw ngunit sa pagtayo palang ang nawalan na siya ng gana. Dumiretso siya sa paanan ng kama at nagmuni-muni habang nakatulala sa malapitan.

Nakatingala at nakapalitada ang ngiti sa mukha. Dinadama ang katahimikan habang sinasabayan niya ito ng pagyugyog ng paa. Napansin niya ang lumang telepono kaya ito'y kaniyang kinuha at umupo sa berdeng silyang may patungan ng kamay.

Nilalaro niya ito sa kaniyang kanang kamay habang nakatunghay sa panlalawigang tanawin. Pagkalipas ng ilang minuto, siya'y matatagpuang nakahiga sa sahig, kinakalikot ang mga imaheng nasa kamera na para bang inaalala ang nakaraang minsan nang kinalimutan.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa silya habang dala ang lapis at papel. Iniisip kung ano ba ang pwedeng isulat. Ipinatong niya ang kaniyang mga binti sa gilid ng upuan. Kapansin-pansin ang pananabik niya sa ginagawa dahil sa mga alaalang bumabalik habang isinusulat ang liham.

Ngunit siya'y natauhan. Nilukot niya nalang ang papel at hinagis ito sa sahig dahil katawa-tawa lang para sa kaniya kung itutuloy niya pa ito.

Napabuntong-hininga siya at humiga nalang ulit sa sahig na natatakpan ng pulang karpet. Naisipan niya nalang gumawa ng eroplano gamit ang papel. Pinalipad niya ito na para bang gusto niya ipadala ang mensahe sa taong kaniyang sinulatan kanina.

Lumipad ito sa himpapawid tangay ang mga salitang gustong ipahatid ng binata.

Tinakpan niya ang kaniyang malumbaw na mata mula sa sinag ng araw habang hawak ang lapis sa kamay. Tuluyan niya na itong binitawan bilang tanda ng pagsuko. Maaaring ito'y dahil alam niyang hindi naman makakarating ang palibot-liham sa taong iyon.

Tuloy-tuloy ang agos ng tubig mula sa gripo habang pinupuno ang plorera kung saan nakalagay ang mga iba't ibang halaman. Agaw-atensyon ang mga puting rosas at daisy dahil ito lang ang mga malalaking bulaklak.

Nakatitig dito ang binata habang hinihintay itong mapuno. Suot ang kaniyang damit na magkaibang moda ngunit magkatugma, ngumiti siya nang may matandaang alaala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EmpathyWhere stories live. Discover now