Prologue

14 1 0
                                    

Attention!!

This story is not a copy from other stories. The names are just invented by the author.


CATRIN'S POV

"Tara na punta na tayo sa mini stop!!!" Paghila ko sa best friend ko na si chesie "tara na!! Ayaw mo lang nyan iwan yang crush mo eh!"

"Eh! Ano ba kasing bibilhin mo sa mini stop nakakatamad umalis lumilintik ata eh!" Sagot niya sakin habang hinihila ko ang kaniyang kanang kamay

"Nagugutom nga ako tsaka breaktime naman tama na muna yang kakatitig mo dyan sa crush mo tara na!" Pag pipilit ko sa kaniya

"Sige na nga tara na pero babalik tayo bago mag break time ah" agad akong tumalon at hinila siya palabas ng studio

"Kain tayo ng chips tapos kwentuhan muna tayo" napatigil siya sa paglalakad sa aking sinabi at tumingin sakin "bakit?"

"Sabi kunanga ba eh ayan nanaman tayo eh magdadaldal kananaman eh" Agad niyang sabi sakin

"Breaktime naman wag kanang maarte di naman aalis yung crush mo dun" sagot ko sa kaniya at hinila sa papasok sa mini stop

"Umupo kana jan ako na bibili ng chips"Agad niyang sabi sakin

"Awww sige hehe" pumunta ako dun sa bakanteng table na may dalawang upuan at umupo. Habang hinihintay ko si chesie ay may nakita akong pamilyar na sasakyan "siya na nga yun"

"Sinong siya?" Napatalon ako sa inuupan ko ng marinig ang boses ni chesie


"Ah wala si ano nandyan na haha"kumunot ang kaniyang noo at tinitigan ako


"Si ano?" Tanong niya sa akin


"Si rale nandyan na" sabi ko sa kaniya at sabay kuha ng chips na binili niya


"Sus haha kala ko naman napano ka" sabi niya sakin umupo sa harapan ko "so ano inaamin mo na ba na gusto mo siya?"

Muntikan nakong masamhid sa kaniyang sinabi "huh, ano,h-hinde a-ahh"nauutal kong sagot sakaniya

"Eh bakit ka muna nauutal huh?" Agad niyang sabi sakin habang sinusubo ang nova

"Ah hinde ah haha" pag iwas ko ng tingin sa kaniya "actually meron akong gustong sabihin sayo kaya kita dinala dito" pag balik ko ng tingin sa kaniya at ngumiti


"Oh ano naman yang sasabihin mo" pag taas ng kaniyang isang kilay

"Wala ang cute mo" agad siyang natawa sa aking sinabi at natawa rin ako

"Alam ko matagal na haha pero seryoso ano nga yang sinabi mo?" Pag tatanong niya saakin

"Wala lang ang weird kasi ni rale this days dikona alam kung anong gagawin ko o mararamdaman ko haha" sabi ko sakaniya

"Mararamdaman mo?" Tumango ako at kumuha ng nova "so may nararamdam ka para sa kaniya" nagulat ako sa kaniyang sinabi at napatitig sakaniya

"Actually diko masabi kung oo o sadyang naweweirdohan lang talaga ako sakanya"Agad kong pagsasalita

"Ay sus kung ako ang tatanungin gusto mo na siya actually alam ko na din naman na gusto mo siya eh!" Muntikan na akong masamhid sa sinabi niya

"Kailan mo pa alam?" Agad ko namang tanong sakanya

"Actually nung una wala talaga akong clue na gusto mo siya ngayon ngayon kulang din nalaman na gusto mo siya pano ikaw banamang babae ka hindi mo naman sinasabi na gusto mo siya tapos tanong ka ng tanong kung sino mga crush ko tapos yung sayo di mo man sinasabi!" Tuloy tuloy niyang sabi sakin


"Actually ayoko talagang may makaalam ako lang ang nakakaalam na gusto ko siya syempre diba ako yung may gusto haha pero ayun na nga ayaw kong may makaalam kasi baka kumalat eh madalas pa naman ikaw madaldal ka kaya pati sayo ayaw kong sabihin" pagsagot ko naman sakaniya


"Grabe diko akalain na totoo nga yung inaakala ko pero kailan pa mopa siya nagustuhan?" Pagtatanong niya naman sakin

"Simula nung nag join ako sa band" pagsagot ko sakaniya


"Matagal tagal na rin pala!" Gulat niyang sabi sakin


"Actually sinubukan ko nang itigil yung nararamadaman ko kaso ayaw talaga matangal eh" sabi ko sakaniya

"Alam mo ok lang yan hayaan mo lang yang nararamdaman mo kunwari kapang binubully si rale gusto mo naman pala siya pero ayiiee ah kakilig din yung mga memories nyo ayiiee sanaol" pang aasar niya sa akin

"Alam mo ikaw tama na ok na yan bumalik na tayo sa studio" tumayo ako at hinila siya patayo sa upuan

"Eh nagmamadali kalang niyan eh gusto molang makita si rale" pang aasar niyang muli saakin

"Tigilan mo na yan tara na!"pang hihila ko saniya

"Weh pero totoo nga gusto mo talaga si rale?" Agad niyang tanong sakin habang tumatayo siya sa upuan



"Oo nga gusto ko si rale!" Pag linaw kong muli sakananya


"So gusto mo pala ako?"


Nagulat ako ng makita ko sa rale na nasa likuran ko at nakatingin saamin


"Rale!"


Eto na ang pinaka ayaw ko sa buong buhay ko na malaman niya na gusto ko siya dahil natatakot ako natatakot ako na iwasan niya ako kapag nalaman niya ang totoong nararamdaman ko ayokong magaya dun sa mga dating nagka gusto sakaniya na iniwasan niya

<<33

Musically Loving YouWhere stories live. Discover now