BALINTATAW : BALIKTANAW
Hindi makapaniwala sa nasilayan
Hindi kayang paniwalaan
Ramdam ko ang kakaiba
Ng sa balintataw aking nakitaNahagilap, hindi kumurap
Mga matang pilit nilingon sa hirap
Tumulo, umagos at dumanak
Ang naninibughong likido pumatakKasabay ng pagtakbo
Inalayan ng polo
Hindi hahayaang mabasa
Habang ako'y naliligo sa gitnaSaksi ang mga mata
Saksing nakatingin sa dalawa
Papalayo, sa ulan dibdib nasapo
Sa kirot ng ala-alang nagdurugoHindi na kayang ibalik
Kahit anong pananabik
Naubos, natapos at nawala
Maging itong ulan man ay tumilaSa huling pagkakataon
Sa paglipas ng panahon
Isang tanaw sa balintataw
Hanggang baliktanaw
![](https://img.wattpad.com/cover/165550395-288-k656201.jpg)
YOU ARE READING
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology