MINSANG NAKALIMOT
Ako'y naging paru-parong walang pakpak
Hindi nakalipad at nakalapit sa bulaklak
Hindi na naramdaman ang presensya
At napalayo ako sa iyo ng sobraNabalot ako ng dilim
Naipit ako sa isang kulimlim
Nabulag sa saya ng kasalanan
At hindi na kita naisip na balikanHindi maala-ala
Kahit paulit ulit kang nagpapadama
Hindi kita pinansin
Kahit nangingiusap kang bumalik sa akinAko ang nakalimot
Dahil napuno ang puso ng puot
Ngunit puso'y naging magaan
Ng iyo itong pinunasanDahil sa hinananap mong paraan
Ako'y naliwanagan
Akin ikaw na nabalikan
Ako'y makasalanan ngunit hindi mo ako iniwanSalamat sa walang humpay na pagmamahal
Lubos akong nagpapasalamat sa'yo Poong Maykapal
Nahanap kong muli ang bagwis ng pakpak
At madadapuan na ang halimuyak ng bulaklak073021
YOU ARE READING
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology