KALIGAYAHAN KITA
Ramdam ng malambot na balat ang sinag
Na sa mga ulap umaaninag
Ang gandang bungad ng sikat ng araw
Ay nagbibigay liwanag sa kanyang gandaSa pag ihip ng hangin
Lumugay ang mahabang buhok sa 'kin
Binalot ng mga bisig ko siya
Niyakap at nabuo ang masarap niyang tawaSumasayaw ang katawan nitong nakatampisaw
Sa buhanging kanina aming tinatanaw
Ang paghalik ng malamig na tubig sa dalampasigan
Ang nagiging dahilan ng kanyang kasiyahanKaligayahan mo ang dagat
Habang ikaw naman ang akin
Masaya kang kasama ako sa magandang tanawin
Habang maligaya ako na ikaw ay naging akin
![](https://img.wattpad.com/cover/165550395-288-k656201.jpg)
YOU ARE READING
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology