When the Stars Don't Align

47 7 5
                                    

"Kung alam mo nang hindi para sa 'yo, lalaban ka pa rin ba?"

Copyright © 2021
girlinparis
All rights reserved.

————

DALAWANG pulang guhit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makita ko iyon. Dapat ba akong maging masaya? I will have a child with Jude— sa taong mahal ko. Pero natatakot pa rin ako. Deep inside, alam kong mali ang nangyari sa aming dalawa. Ngayon, mas mali pa na magbubunga pa iyon.

Inilagay ko muli sa box ang ginamit kong PT at itinago ito sa aking bag. Itinungkod ko ang pareho kong kamay sa lababo at tiningnan ang sarili sa salamin. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat? Paano kung hindi niya matanggap? Paano ako? Paano kami ng magiging anak ko?

Iniisip ko pa lang na sabihin sa kanya, nangangatog na ang mga tuhod ko. Ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Napailing ako. You're going to be fine, Cali.

Hinugasan ko muna ang kamay ko at saka iniayos ang pagkakaipit ng kulot kong buhok. I should probably go. Kanina pa naghihintay sa akin si Jude sa dati naming tagpuan.

Panigurado ako, talak na naman ang bungad sa 'kin bukas ng mga kaibigan ko pagkatapos kong umalis ng sleepover ngayon.

I'm sure they'd understand.

Marahan kong binuksan ang pinto ng banyo para maiwasang makagawa ng konting ingay. Ngunit, kahit anong dahan-dahan ko sa pagbukas nito ay nakita ko nang nakatayo sa labas si Jenna.

"Where do you think you're going?"

Nakataas ang kilay nito sa akin at nakapamewang pa. Damn it! Akala ko tuloy makakaligtas ako.

"Alright. You caught me." Tinaas ko ang kamay ko bilang pagsuko. Hindi ko pa napigilang matawa na lang sa nangyari.

"Napapadalas na ata ang pagtakas mo sa mga sleepover natin a! Sinong katagpo mo?"

"No one," nakangisi kong sagot.

"Ganyan ba ang wala e ngising aso ka? Hay nako, Cali. Alam ko ang ngiti mong 'yan. Tatagpuin mo na naman ang secret lover mo no! Bakit ba hindi mo pa mapakilala sa 'min 'yang jowa mo? Palihim-lihim ka pa."

"Hindi pa kasi puwede eh," malungkot kong sabi. "When the right time comes, I promise. Ipapakilala ko siya sa inyo. Pero right now, kailangan ko nang umalis. Next time talaga babawi ako sa inyo."

"Lagi ka namang babawi eh." Lumapit siya sa akin at bumeso. Napahiyaw naman ako nang bigla niya akong hinampas sa likuran. "Sige na alis na! Say hello to your jowa for me."

Nginitian ko lamang siya bilang sagot.

It's been months since Jude and I started dating. Nagkakilala kami sa isang restaurant. Birthday noon ng kapatid ko kaya niyaya ko siyang lumabas. Nasaktuhan naman na si Jude ang head chef at owner ng restaurant na iyon.

After our first meeting, nasundan na iyon nang nasundan. He asked for my number kaya palagi ko na rin siyang nakakausap. Hindi ko ipagkakaila, gusto ko na siya noong una pa lamang kaming nagkita. At mas lumalim iyon nang mas makilala ko ang pagkatao niya.

Okay na sana e. Sa unang rinig, parang nakakakilig pakinggan. Si tadhana ang naglapit sa aming dalawa. I felt as if we met at the right place in the right time. As if stars have aligned that night. Pakiramdam ko parang tamang-tama ang lahat.

Pero tingnan mo ako ngayon. Madalas naghihintay ng hatinggabi para lang makipagtagpo kay Jude.

Dire-diretso na ako palabas at sumakay sa kotse ko. Ipinikit ko sandali ang mata ko at huminga ng malalim. I miss him so much! Isang linggo pa lang kaming hindi nagkikita pero it felt like years!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When The Stars Don't Align (One shot)Where stories live. Discover now