PART 1: HE'S MINE!

20K 205 15
                                    

Gusto kong umayaw pero may mga kamay na pumipigil sa akin upang hindi makaimik. Na tila ba ay para akong bilanggo sa balikat ng isang lalake na hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Ramdam ko ang maiinit nyang halik na dahan dahang umaakyat patungo sa aking labi. Ang sarap sa pakiramdam na para ba akong ginagahasa ng isang lalakeng masarap at magaling. Gusto ko ng umungol, gusto ko ng sumigaw sa sobrang sarap...

"DARNA!" yan ang naisigaw ko ng bilang kumalabog yung pintuan ng kwarto.

"Tonying! Tonying! Mali-late ka na ata. Gumising ka na" Ganyan na ganyan nalang lagi ang nang iistorbo sa masarap kong panaginip. Pucha talaga. Nakakainis. Malapit na yun eh, konting push nalang at nandun na yung climax eh. Sayang talaga.

"Nay, hotdog ulit ang breakfast? Ganun na ba talaga tayo kahirap at lagi nalang ito pinapakain nyo sa akin?" Yan naman ang araw araw kong reklamo.

"Oyy, alam kong yan ang paborito mo. At tsaka punong puno yan ng protina, carbohydrates, calcium, at marami pa." Ganyan din maglambing si Nanay, minsan nakakatanga. Maygad! Ang hindi alam ni Nanay, paborito ko lang yung hotdog nung bata pa'ko, pero ngayon, longganisa na.

~

"Hi Tony!" Bati sa akin ng mga nakakakilala sa akin sa university. Paulit ulit na HI TONY nalang lagi at lagi ko nalang silang sinasagot ng pasimpleng ngiti.

Mahirap talaga minsan ang maging school president ng university, actually kakapanalo ko palang kahapon sa election, aside na pagiging famous, dapat maayos ka rin gumalaw, makisama at... "HI PARENG JASON" maygad! Nagpapakilala palang ako sa sarili ko at biglang makakasalubong ko ang pinaka-yummy, hot, at guapo kong crush na laway na laway ako lagi.

"HI TONY. Kamusta bro? Balita ko type ka raw ni Shiela ah, naku dude, kung ako yan, liligawan ko yan sabay kakainin ko yan". Nagkkwento siya habang  nakaakbay sa akin. OMG! Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya kasi tunaw na tunaw na ako sa akbay niya. Kung pwede lang sana na hindi na kami umabot sa classroom, edi wow ang saya!

"Class, I would like to congratulate Mr. Antonio Robles for winning the presidency position. Congratulations Mr. Robles". Bungad yan sa akin ng maldita kong teacher at sabay akong nakarinig ng palakpakan sa mga echosera kong mga kaklase. At bigla akong nilapitan ni Shiela. "Congratulations Tony" at sabay nya akong hinalikan sa pisngi.

Putaragis tong babaeng to! Nakakaloka. Hindi ako cannibal te para gawin mo yan. Subukan mo pa ulit at mapapatay talaga kita. Yan nalang ang sinasabi ng isip ko sa lecheng babae na to. "One more! One more! One More!" sigawan ng mga pangit kong kaklase. At ang malanding babae na to, hinalikan talaga ako ulit sa pisngi. Nakakabwesit talaga! Para akong damit na namantsahan...

Agad nalang akong umupo sa aking upuan na medyo malayo kay Jason. Pero tumabi sa akin ang crush ko. At bumulong siya na magpainom daw ako para i-celebrate ang aking pagkapanalo. Sino ba naman ang makakatanggi kung kikindatan ka pa, diba? Kung may bra lang ako, siguro kanina pa nalaglag!

~

"TAGAY!" Sigawan ng mga chaka kong kaklase. At infairness, walang babaeng kasama. At ang masaya pa, sa bahay kami nag inuman. Kasama ko ang mga barkada ni Jason sa varsity. Matatangkad, guapo at masasarap. Ganun ko sila kung idescribe. Walang kahit sino man ang nakakaalam ng tunay kong dugo, kahit pa si Nanay. Kaya ang akala nila, totoong lalake ako.

Pagkatapos ng tatlong oras, bumagsak na si Jacob at Justine. Doon ko sila pinatulog sa katabing kwarto ko na ginagamit ko lang kapag kailangan kong mag-aral ng todo todo. Lima nalang kaming natira sa inuman. Puro halakhakan at puro tawanan. Napapansin kong nahihilo na si Jason at yung iba niyang kasama. Syempre, sino ba naman ang hindi mahihilo eh nilagyan ko ng vetsin yung iniinom nila. Ganun talaga, pag may alak, may balak.

Maya maya ay sumunod na rin yung iba nyang kasama at tanging ako at si Jason nalang ang naiwan.

"Bro, sa kwarto ko ka nalang humiga kasi puno na dun sa kabila eh". Pumayag naman si Jason at walang pag-aalinlangan na tumabi sa akin.

Nakatalikod ako sa kanya at kinakabahan akong katabi siya, kasi bigla syang naghubad ng tshirt kasi mainit daw. Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko kasi baka yung panaginip kong ginagahasa, baka magkatotoo na.

Makalipas ang kalahating oras, gising pa rin ako. At nabigla ako ng biglang niyakap ako ni Jason. Ramdam ko ang mainit nyang katawan at ang bukol sa baba. Nagkukunwari akong tulog para namnamin yung mga yakap niya. Pero bigla niyang hinalikan yung batok ko. Shit! Para akong mamamatay sa sobrang sarap. Pero hinayaan ko lang siya. Maya maya ay bigla siyang bumulong, "AKIN KA LANG TONY".

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung haharap ba ako sa kanya o hahayaan ko nalang na isipin niyang tulog ako. Pota, ang saya ko sobra! Pero relax pa rin dapat ako. Hindi ko maintindihan ko paano ako nakatulog basta ang naaalala ko lang, ramdam ko sa likod ko na may bumubukol sa shorts ni Jason.

~

"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" yan ang gustong isigaw ng isip ko nang magising ako at nakita kong si Justine ang katabi ko. Naasan si Jason?????? Sino ba yung bumulong sa akin ng AKIN KA LANG TONY? Shit! Hindi to pwede, hindi ito pwedeeeeeeeeee!!!!!!!!!!

GAY CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon