Sorry

3.9K 186 56
                                    

Para sa'yo lalaking gwapo,

Sorry kasi n'ung una kitang makita wala ka sa radar ko, hindi kita tipo kasi may iba akong gusto n'ung mga panahon na iyon. 

Sorry kasi kahit wala ka sa radar ko, napansin ko yung malapad mong likod at braso at aaminin ko medyo bumilis ng three seconds yung tibok ng puso ko, pero maniwala ka, wala ka talaga sa radar ko n'ung mga panahon na iyon, sadyang mahilig lang ako sa mga lalaking malalapad ang likod.

Sorry kasi matapos kong mapansin yung malapad mong likod, tinignan ko agad yung balat mo, sabi ko sa sarili ko, 'Malabo talaga, hindi siya maputi,' pero napansin ko ang mahaba mong legs. Matangkad ka pala. Shet.

Sorry kasi n'ung unang mag-shake hands tayo, aaminin ko napansin ko na ang init ng kamay mo at makinis pero sabi ko sa sarili ko, 'Malabo talaga, iba ang gusto ko,' pero napansin ko na kahit medyo kayumanggi ka, chinito ka pala. 

Sorry kasi n'ung una tayong ipakilala sa isa't isa, lumabas agad ang pagkabalahura ko, binara kita agad n'ung nalaman kong twenty-four years old ka pa lang, sabi ko pa nga, 'Weh? Talaga? Hindi halata,' hindi ko lang tanggap na magkalapit ang edad natin, na isang taon lang agwat natin. Bakit ba? Gusto ko ako lang bagets sa kumpanya na pinapasukan natin parehas pero sa totoo lang, ayoko lang talaga kasi naisip ko magkalapit lang edad baka may chance na magkagustuhan pero kasasabi ko lang kanina na may iba nga pala akong gusto kaya bawal. As if pwede kong kontrolin, ano? Baliw lang talaga. Napakalandi. Irita. Dami kong naiisip, hindi na lang magtrabaho.

Sorry kasi n'ung unang beses kitang kinalabit, tinawag, at kinausap, pinuna ko lang yung damit mo, sinabihan kitang mukhang puno at pokemon dahil kayumanggi ka tapos medyo off yung shade ng pagka-green ng suot mong polo sa skin tone mo. Na-offend ka ba? Bale, four days pa lang tayo magkakilala n'un. Ayos 'di ba? 

Sorry kasi n'ung tinanong niyo ako ni Ate Sweetie kung may boyfriend na ako tapos sinabi kong wala, hindi pa naman kasi official saka hindi ko ramdam na naging boyfriend ko yung tarantadong yun.

Sorry kasi n'ung nakita mo yung status ko na may 'I love you' na naka-tag yung tarantadong lalaki na yun tapos tinanong mo ako kung kami na ba, nag-deny pa rin ako. Ewan ko, hindi ko maamin sa'yo. Siguro ayokong malaman mo na may boyfriend ako or pasimpleng maharot lang talaga ako. Mamili ka na lang dyan sa dalawa.

Sorry kasi nawi-weirduhan talaga ako sa'yo dati. Isipin mo, mga dalawang linggo palang tayo magkakilala tapos kinukwentuhan mo na ako ng kung ano-ano lalo na yung sa ex mo. Pake ko kung limang taon kayo? Pake ko kung parehas Chinese ang surname namin? Pake ko? Katext ko yung tarantadong lalaki na boyfriend ko na hindi ko maamin sa'yo.

Sorry kasi tumanggi ako rati na sumama sa inyo ni Ate Sweetie sa Gateway ata yun, sabi ko may lakad ako with family pero ang totoo, waley akong pera at medyo magkaaway kami ng tarantadong lalaki na boyfriend ko.

Sorry n'ung unang beses na sumabay ako sa inyo palabas ng office, yung unang beses na pinitik mo yung baba ko, kasi sabi ko kikitain ko college friends ko pero sa totoo lang kinita ko yung tarantandong lalaki na boyfriend ko. Tinext pa kita kung okay lang ba yung outfit ko kasi sinabihan ako ng TLNBK (ang haba ng Tarantadong blah blah, ito na lang) na 'wag ko na raw uulitin yun. Hello, fashionista ako. Nasaktan ang ego ko, sarap ihambalos sa wind shield ng remark niya na iyon, tarantado talagang lalaki. Tse. Buti ka pa sabi mo okay lang outfit ko basta ipusod ko yung buhok ko.

Sorry rin kasi tinetext kita minsan ng 6am para mag-good morning. Sa totoo lang, sinusulit ko lang yung unli ko kasi hindi nagrereply yung tarantadong lalaki na boyfriend ko. Nagrereply ka naman so natutuwa ako.

Sorry kung hindi ako nagrereply sa'yo tuwing weekends dati, to be honest tinetext lang kita dati dahil bored ako sa office. Ang sama ko ba? Pitikin mo ulit baba ko.

SorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon