Chapter Ten: The Daredevil

1.2K 100 10
                                    

Isinuot ni Minah ang Dolce & Gabbana cat-shaped sunglasses nang huminto ang van na minamaneho ni Molia sa harap ng thirty-eight story building.

It was exactly seven thirty in the morning. Alas-otso ng umaga ang meeting nila with Tempted Wear's vice president kasama ang creative director at art director na hahawak sa kanya during the shoot.

Bukod sa contract signing, ipi-pitch din sa kanya ang tungkol sa scenario, kung saan gaganapin ang shoot, at kung gaano katagal iyon.

Ayon kay Innif, Tempted Wear became one of the largest clothing companies in the Philippines since it opened for business way back 2016. Sister company ito ng DM Textile na parehong pag-aari ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa, ang mga De Marco. Pumapangalawa dito ang El Pano na pag-aari naman ng mga Fuego.

Minah opened the door to her right and slid her legs out one by one. Then as if on a catwalk, she sauntered to the main door of the building. Behind her was Molia na may bitbit na leather bag sa likod at payong na gagamitin nito para payungan siya mamaya paglabas nila ng building. Parang sa Pilipinas lang, pumapalo sa thirty-eight to thirty-nine degree Celsius ang temperatura sa Bangkok tuwing Abril.

Hinahabol si Minah ng humahangang tingin ng mga nakakasalubong at nadadaanan niya. She was wearing a one-strap, black skin-tight dress that ended in a pleated lace just above her knee. She paired it with sky-high black stilettos which added length to her smooth and shapely legs.

Her raven black hair was tied in a bun, her makeup looked daring and fierce at the same time. May kipkip din siyang kulay-itim na clutch bag. Almost everything about her was black, including her heart—iyon ang pagkatao na gusto niyang ipakilala sa lahat.

Bago pa nila marating ang information counter, sinalubong na sila ng magandang babae na matamis ang pagkakangiti. Sigurado si Minah na Pinoy ito. Sa likuran nito ay dalawa pang Thai employees na obviously ay trainee. Parehong hindi maiwasang ipakita ng dalawa ang paghanga sa kanya.

"Sawasdee kha!" bati ng magandang babae na nagpakilalang si Demi, ang executive secretary ng presidente ng Tempted Wear.

Kinausap ito ni Molia saglit, pagkatapos ay iginiya na sila papunta sa executive elevator.

Salamin ang dingding ng maluwang na meeting room na pinasok nila. If it was soundproof, hindi sigurado si Minah.

Humakbang sila palapit sa fifteen-seater meeting table. Bawat upuan ay may nakaabang na bottled mineral water at retractable pen sa bilog na mesa.

Kampanteng naupo si Minah sa isa sa mga high-back chair na magalang na itinuro ni Demi. Pagkatapos, inabutan siya nito ng catalogue na puwede niyang buklat-buklatin habang naghihintay siyang dumating ang mga ka-meeting.

Tiningala niya ang babae. "Can you give me the contract instead?" tanong niya sa tonong bored. Ang contract signing ang pinaka-boring na parte ng kanyang trabaho.

"Ah, right." Kinuha nito mula sa isa sa dalawang babaeng nakasunod dito lagi ang isang envelope at iniabot sa kanya.

Dinampot ni Minah ang retractable pen sa harap niya at wala sa loob na pinaikot-ikot iyon sa mga daliri.

"By the way, Miss Vintah, our assigned fashion designer for the project didn't make it today. Na-cancel ang flight niya galing Pilipinas. She was very excited to meet you but things happened."

Walang sagot mula sa kanya. Napakamot sa pisngi si Demi sa pandededma niya.Tumikhim si Molia para agawin ang atensiyon ng napapahiyang babae.

"Do you have a café here, Demi?"

"Oh, I'm sorry. I'll go bring something for you to eat."

"Sasamahan na kita. I need to make sure na mababa ang calories ng pagkaing ise-serve kay Vintah. And she has a serious allergy for nuts... the last time na nakatikim siya, halos ika—"

Fragments of Memories 3: Thorns and Horns (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon