SIMULA

2 0 0
                                    


Hawak hawak ko ang huling bote ng beer  na binili ko sa isang convenience store habang nakaupo sa ilalim ng poste kasabay sa pag sip sip ng yosi na hawak ko,  napaisip ako bigla bakit naging ganito  ganito ang buhay ko.

"Papa! Tama na po nasasaktan na ako!" Sigaw ng isang bata habang pinapadapa at sinasaktan ng lasing na ama.

"Aba't sasagot ka pa lintik ka! Ikaw ang rason bakit tayo nag hirap ng nanay mo! Kung wala ka hindi sana tayo nag kakaganito!" Sigaw ng ama sa anak na sinasaktan.

Hindi kalaunan ay narinig ng bata na may dumating sa pintuan ngunit inegnora lamang niyo ng ama. "Wilfredo! Tama na yang pagpapalo mo, hindi ka ba naawa sa anak mo?!" Sigaw ng nanay. Bigla niyang hinila ang ama upang matigil na ang pag palo ngunit ito ay nasikway at tumama yung ulo sa cementong haligi malapit sa kusina at agad ito nawalan ng malay.

Napahinto at napalingon agad ang ama sa nangyari at nagulat sa ginawang pag sikway sa kanyamg asawa. "Ising? Ising! Taena naman gumising ka, hi—hindi ko sinasadya!" Kinapa niya yung ulo at agad na may tumagas na dugo mula sa malakas pag kabunggo niya sa haligi. Agad na tumayo ang bata at tumago ito sa malaking cabinet malapit sa kanilang sala.

Agad tumayo ang ama at nakita ng bata yung ama niya na may kinuha sa malaking box at isang revolver na may mga bala. Gustong sumigaw ng bata ngunit natatakot siya ba ka na isusunod siya ng ama. Ngunit siya ay pumikit at pinigilan yung hagulhol ng maka rinig siya ng putok na baril. Agad niya sinilip at nakita niya na humandusay din ang ama kasama ang ina sa sahig ng kanilang bahay.

Agad siya lumabas ng cabinet at humingi ng tulong sa mga kapit bahay. "Mga kapit bahay! Tulungan niyo ako! Tulungan niyo sina inay at tatay!" Pag sisigaw ng bata habang umiiyak.

Mabilisan ang panahon sa isang iglap ay nawala ang kanyang inay at itay. Naka titig lamang ang bata sa dalawang kabaong na nasa harap niya. Na ibunyag na yung itay niya ay may depresyon dahil nawalan ng trabaho. Nalaman din niya na ampon lang pala siya na nasa buong buhay niya ay itinuring niya itong mga magulang.

At ang batang ampon na iyon ay ako,
Ako si Uno, at ito ang storya ng buhay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNOWhere stories live. Discover now