My Aunt in the house

5 0 0
                                    


   I know na marami pa rin sa atin ang hindi naniniwala sa multo or aswang o mga spirit dito sa real life. Sa totoo lang kahit ako never talaga ako naniwala sa mga spirit pero di ko enexpect na mangyayare saken to in the real life. Alam ko marami ang hindi maniniwala sa inyo. pero hindi ko po kayo pipilitin maniwala. gusto ko lang ishare sa inyo ang napagdaanan at nakita ko sa aking dalawang mata.  Now Let get start.

   Last 2years na po patay ang antie ko. Ako ang nag alaga sa kanya nung nabubuhay pa sya. Halos 10years na kame nakatira sa bahay na ito kasama sya. Umpisa nung nastoke sya di na sya nakalad at halos nakahiga nalang sya almost 7years syang nakahiga sa kanyang higaan. Kaya naman nyang tumayo ngunit kaylangan talaga nyang alalayan.
     Halos paralize ang kanyang mga paa at kamay kaya ako as a pamangkin di ko matiis na nakikitang nahihirapan ng ganun ang antie ko. Kase honestly sya yung tumutulong sa amin nung kamiy bata pa lamang. Kaya bilang utang na loob ako naman po ang nag alaga sa kanya simula nung nastroke sya.
    Alam nyo ung part na ikaw ung kamay nya sa mga ginagawa nya. Ikaw ung nagtatapon ng dumi nya nagbibigay ng pagkain nya. pero never kung inisip na pabigat sya sa amin kase mahal ko antie ko. Kahit sabihin ng mga tao na masungit sya. Si Antie ang panganay sa magkakapatid at bunso naman po ang mamy ko.
     One day si Anti nahihirapan na talagang gumalaw. Kahit pag suot ng damit nahihirapan na sya. Ako nalang tumutulong sa kanya sa paghubad ng kanyang damit na sinusuot sa araw araw. Pero as a pamangkin never kong inisipan ng malaswa ang aking antie kase matanda na po sya 70+ na po sya. At okay lang po saken na tulungan sya kase wala naman ibang tutulong sa kanya nung time na pumunta sila mamy at dady ko sa Manila para mag bakasyon.
     Kami nalang ni Antie ang natira sa Bahay. Halos paulit ulit lang ang sitwasyon , Ako ang nagpapakain nagluluto,nagbibihis at nagtatapon ng kanyang dumi. Imagine guys 19years old na ako nun. pinagsasabay ko ang pag aaral at pag aalaga sa antie ko .ganun ko sya kamahal.
    Isang gabi maayos naman ang kalagayan ni antie nung oras ng gabi na iniwan ko sya. maayos ang damit at nakakain naman sya ng maayos. Pag gising ko nagulat ako pag bukas ko ng pinto ng kwarto nya. Nakita ko syang hubaran. Hindi ko talaga alam kung bakit ganun. Kase alam nyo guys si Antie di nya magalaw ang kamay nya. di nya kayang hubaran ang sarili nya. Nagulat talaga ako tsaka alam nyong wierd guys? nakita ko sya sa ilalim ng kama nya. Honestly guys Mahirap isipin kung pano nangyare yun. tsaka nung tinanong ko sya kung ano nangyare sa kanya.Hindi daw nya alam. Hindi nya alam kung bakit sya hubad. Hindi nya alam kung bakit sya nasa ilalim ng kama. 
     After that happens Ilang araw naulit ang ganung pangyayare. di ko talaga maisip kung ano nangyayare kay antie. Kahit na parang natatakot nako. pero hindi ko nalang ininda ang takot. Tinutulungan ko parin sya sa araw araw.
     Dumating sila mamy galing Manila. Syempre ako kwenento ko kay mamy ang lahat. Nagulat din sila mamy . Nung gabing iyon Okay naman ang lahat . Pagkagising namin nila mamy nakita namen syang nasa ibaba ng kama nya at hubaran na naman. Gulat na gulat si mamy kung ano nangyare sa kanya. Kase guys si antie. Okay sya magsalita. walang problema sa pag iisip nya. Tanging katawan lang nya ang naparalize nung nastroke sya. yun lang talaga yung sakit nya ang paralize nyang katawan. Di namin maisip na kaya nyang hubaran ang kanyang sarili. Tapos pag tinatanong sya ni mamy sagot nya di nya alam bat sya sa ilalim ng kama at hubaran.
    Ilang beses din nangyare yun.hanggang sa binulungan ako ni mamy. "Nak, Wag ka masyadong maglalapit kay antie mo, Tingnan mo hindi nya alam yung mga nangyayare sa kanya sa gabi. Siguro nahawa na yan o pinahawaan ng aswang kaya ganyan yan. hindi nya alam ung nangyayare sa kanya. Isipin mo mahuhubaran nya ba ang sarili nyan tsaka di nya naman kayang mahulog sa lapag ng kama nya eh kaylangan nya ng lakas para gawin yun. " Sa isip isip ko may punto naman si mamy. Kaya simula nung araw na yun. binabantayan ko na si antie at ang sarili ko baka kung ano magawa nya.

   Makalipas ang isang bwan.Nanghina na si Antie. pero nanghihinge sya ng dinuguan. Kaya yun bumili si dady ng dinuguan para kumain lang sya. yun daw paborito nyang ulam. After ilang weeks nanghina pa lalo si Antie hanggang sa tuluyan syang namatay. Di ko nga po pala nasabi na tumanda pong dalaga si antie. wala po syang asawa.

    2years na ang nakalipas simula nung namatay si antie . Last 7months lang nangyare tong kababalaghan saken. Nung nanunuod ako mag isa nang Jesica Soho Gabing gabi na yun e kase may inaabangan akong scene . Habang akoy Focus sa panunuod. Kase yung TV namen malapit sa pinto papasok sa kwarto ni Antie. tapos may kurtina yung pinto na walang pintuan. Bale kurtina lang sya tapos may siwang yung ilalim na halos isat kalahating dangkal yung siwang. That time ako nalang gising sa bahay. sila mamy tulog na sa kwarto nila at sarado ang pinto ng kwarto nila. Habang busy ako sa panunuod bigla akong napatingin sa pinto na may kurtina. Napatitig ako sa siwang sa ilalim ng kurtina. Nakita ko isang paa ng matanda, Kitang kita ng dalwa kong mata. sa kabilang part ng kurtina ung paa ng tao as in paa talaga sya guys tapos naka stay sya dun sa gitnang bahagi ng Kurtina sa ilalim. then naglakad papunta sa kwarto ni antie. That time tumayo na talaga balahibo ko. Tumakbo ako sa kwarto nila mamy kase nagbabakasakali akong paa lang ni mamy yung nakita ko. Pero mas nashock ako nung nakita kong tulog sila mamy sa kwarto nila. Imagine guys. that time na tumakbo ako that time lang din kakaalis lang ng paa na nakita ko. tsaka ung kwrto nila mamy sarado. ako pa nag bukas sa sobrang kaba ko nagulat ko sila mamy sa pagkakatulog. sinabi ko sa kanila ng mahina ang mga nakita ko. "Mamy may paa papunta sa kwarto ni Antie" Bumangon si mamy at dady. Binuksan ni mamy ang ilaw ng kwarto pero wala kaming nakita na kung ano. Pero sure na sure ako sa nakita ko. Hindi ako pinaniwalaan nila mamy. Pero alam ko sa sarili ko na paa ni antie ang nakita ko that time. Mahirap sa kanila paniwalaan siguro para di ako matakot. pero ang totoo takot na takot ako noong gabing yun di ako makatulog. Many times akong binabangungot. Sinabi ko na din yun sa mga kaibigan ko. marami ang naniwala sa akin. meron din namang hindi. pero karamihan naniwala.kase alam nila na ako lang daw ang close kay Antie na pwede nyang pakitaan . At binigyan nila ako ng advice na kaya daw ako pinapakitaan ni Antie kase di ko na daw sya inaalala simula nung namatay sya. Ang pagpapamisa sa Kaluluwa sa simbahan at pag alay ng kandila ay nalimot ko na. Kahit ang kamatayan nya. Narealize ko na tama nga naman sila. Siguro yun yung way nya para sabihin sa akin na Alalahanin sya at ang araw ng kanyang pagkamatay. Sa ngayon di na nagpaparamdam sa akin si Antie. Maybe because dinalaw ko na ang kanyang puntod sa sementeryo. Di ko akalain na magiging Okay ang lahat. Nakakatulog na ako ng maayos . Salamat Antie sa lahat. Thankyou Lord.

I hope magustuhan nyo ang kwentong ito . My real story .  Sa gusto pang magbasa ng mga Stories ng buhay ko I have many stories na pwede kong ishare sa inyo. Just Follow me and Support me always. Thankyou and have a nice day. Godblessyou all.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My AuntWhere stories live. Discover now