Panahon Ng Paghihintay

6 2 0
                                    


*Isang malamig at malakas na hangin ang dumadaan sa bundok Pablo*

Isang lalaki ang naka tingin sa malawak kalangitan tila yata malalim ang iniisip nito.

"Kalawakan tunay nga na walak ka, hanggang kailan ako masasaktan?, hanggang kailan ako maghihintay?."

"Bakit parang malas ako pag dating sa pag ibig?,  mukhang wala na akong pag asa."

Matapos sambitin ng lalaki ang kanyang hinanakit, isang magandang babae ang dumating at nakikinig sa kanyang mga sinasabi.

"Wag kang mainip ginoo, sadyang ganyan lang talaga ang buhay, imbis na mag maktol ka subukan mong imulat ang iyong isipan sa mga bagay bagay." Sambit ng babae.

*Napatingin ang lalaki sa babae*
"Hindi mo ako naiintindihan binibini." Matapos sambitin ng lalaki ang kanyang mga salita ay ngumiti na lamang ang dilag at bumaba na sa muli papunta sa kanilang bayan.

"Panahon na naman" nalulumbay na sabi ng lalaki.

Unti-unting nag lalaho ang katawan ng lalaki na parang isang alikabok sa disyerto.

     Lumipas ang Isang Dekada

          *Tunog ng Kampana*

"Magandang umaga Diana"
bati ng mga taong nakaka salubong ng dilag.

Si Diana ay isang anak ng Mayor sa kanilang bayan, siya rin ay namumukod tangi sa ganda at busilak ng kanyang kalooban kaya naman maraming mga bata, matanda, at mga kalalakihan ang natutuwa at nahuhumaling sa kanya.

Nagtungo si Diana sa isang tindahan ng mga tinapay.

"Señor,Lucas! ang panaderong pinaka masarap gumawa ng mga tinapay."

"Hay nako Diana binobola mo na naman ako, heto *inabot ang balot ng tinapay sa dilag* mainit at bagong luto ang mga yan para sa iyo."

Nakita ni Señor Lucas ang ngiti sa mga mata ng dalaga.

"Maraming salamat Señor, tunay ngang kilala mo na ako *sabay tawa ng dalaga* maraming salamat uli."

Bumalik na sa pag lalakad ang dalaga patungo sa opisina ng kanyang Ama.

*Binukasan ni Diana ang pintuan ng opisina.*

"Anong problema na naman yan Fernan?, hindi bagat sinabi ko na sa iyo na ilipat niyo sa ibang lugar yang mga nakatira sa tabi ng ilog?." inis na pagsasabi ni Mayor Raul.

"*kumatok ang dalaga*, papa? ayos ka lang ba?."

"Ano't naparito ka Diana?."

"*Hinaplos ng dilag ang balikat ng ama* papa naiinip ako sa aking silid kaya nais ko lamang mag libang."

"*tinignan sa mata ni Raul ang kanyang anak* mag libang?, hindi ka pa ba nag lilibang sa pag upo at pag hilaata mo sa bahay ha?, Diana?."

"Papa naman, kung ayaw mo ako na naririto sabihin mo lang."

Nahabag ang ama sa sinabi ng kanyang anak.

"Eh-uhmm hindi sa ganon aking anak *niyakap ang kanyang anak* ayoko lamang na madinig mo ang mga problema dito sa ating bayan, kung gusto mo mag libang bakit hindi ka mag tungo sa paborito mong lugar?, sa bundok Pablo."

"*nanlaki ang mata ni Diana* talaga papa?, pinapayagan mo ako?."

"Ehh ano pa ba magagawa ko, kaya sige humayo kana. Umuwi ka bago mag takip silim."

Sabik na lumabas ang dalaga at nag tungo sa bundok Pablo sakay sa isang kulay tsokolate na kabayo.

Habang tumatakbo ang kabayo, dama ni Diana ang sariwang hangin na pumapaspas aa kanyang balat, malamig at malinis na simoy ng hangin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Panahon Ng PaghihintayWhere stories live. Discover now