TUYOT NA DAMO
Matamlay na kasiyahan
Binabalot ng kalungkutan
Mga matang mapanglaw
Hindi makita kung ano ang malinawNanaising mamahinga
Sa halimuyak ng damo hihiga
Kapayapaan ng hangin ang humahaplos
Sariling unti-unting nayayaposSa bigat ng kapighatian
Sarili ang tanging dadamayan
Kadiliman— kapayapaan
Karimlan— may patutunguhan?Nalalanta— nawawala
Sa aking sarili ako’y naaawa
Isang mistulang tuyot na damo
Nawawala ang kulay nito092421
BINABASA MO ANG
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology